Monday , July 15 2024
Ali Sotto Pat-P Daza Mata ng Halalan 2022 NET 25

Ali at Pat-P tuloy ang pagkilatis ng mga kandidato sa Mata ng Halalan 2022

TULOY-TULOY ang pakikipanayam ng mga beteranang broadcasters at ASPN Primetime hosts na sina Ali Sotto at Pat-P Daza sa mga kandidato sa darating na halalan. 

Sa linggong ito, kikilalanin nina Ali at Pat-P ang ilan pang senatoriables bilang parte pa rin ng special election series na Mata ng Halalan 2022 ng NET 25.

Huwag palampasin ang pagsalang sa ASPN Primetime nina Sen. Risa Hontiveros at dating Spokesperson Harry Roque Jr. (Lunes, Jan. 31); dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at peace advocate Robin Padilla; human rights lawyer Chel Diokno at dating Presidential Anti-Corruption Commission chair Greco Belgica.

Maliban sa masusing pagsusuri ng mga nagawa at gagawin pa ng mga nasabing kandidato kapag nahalal, malalaman din ang mga pinagkakaabalahan nila sa labas ng politika sa ASPN Primetime.

Sa pilot week ng programa, walong Senatorial aspirants na ang nakapanayam nina Ali at Pat-P. Sila ay sina Rep. Rodante Marcoleta at dating Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito (Jan. 24); Sen. Sherwin Gatchalian at Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla; Sen. Joel Villanueva at dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo; at Marawi civic leader Samira Gutoc at House Deputy Speaker Loren Legarda.

Matututukan ang ASPN Primetime simula 8:00 p.m., Lunes hanggang Huwebes, sa terrestrial TV (Channel 25), Sky Cable (Channel 18), Home Cable (Channel 18) at Global Destiny (Channel 19). 

Masusubaybayan at mababalikan din ang mga naunang episodes sa opisyal na social media accounts ng NET 25, lalo na sa Facebook at YouTube.

About hataw tabloid

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

Dapat Alam Mo Susan Enriquez Kuya Kim Atienza.

Tandem nina Susan at Kuya Kim winner sa viewers

RATED Rni Rommel Gonzales MA-ENTERTAIN habang natututo ng maraming bagay Ito ang hatid ng  news magazine …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS

KMJS paboritong programa ng pamilyang Filipino

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa pagiging Sunday viewing habit ng …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Kylie Padilla Jasmine Curtis-Smith Liezel Lopez

Kylie kakampi o kalaban nina Jasmine at Liezel

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGANG naadik na ang viewers sa bisyo ng bayan gabi-gabi, ang …