Saturday , May 28 2022
Philippine Movie Press Club PMPC

Fernan de Guzman bagong pangulo ng PMPC

MATAGUMPAY na naidaos ang halalan para sa bagong pamunuan ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) para sa taong 2022 na ginanap noong Enero 28 sa tanggapan ng PMPC sa Quezon City.

Ang PMPC ay isang non-profit organization na nagbibigay ng karangalan at pagkilala  sa  entertainment industry, kabilang na ang mga artista, performers, at mga manggagawa sa likod ng kamera sa larangan ng pelikula, telebisyon, at musika. Taon-taon, sila ay pinararangalan sa pamamagitan ng PMPC Star Awards for Movies, Television, and Music.

Bilang pagsunod sa kasalukuyang health protocol, virtual ang ginanap na meeting bago ang botohan. Virtual din ang naganap na bilangan at ang mga past president na sina Rommel Gonzales at Melba Llanera ang nagsilbing election canvassers.

Pagkatapos ng bilangan ay at saka lamang nagsama-sama ang mga nagwaging opisyal para sa madaliang photo shoot.

Narito ang buong listahan ng new set of PMPC officers ngayong 2022:

Fernan de Guzman (president), Rodel Fernando (vice president), Mell Navarro (secretary), Mildred Bacud (assistant secretary), Lourdes Fabian (treasurer), Boy Romero (assistant treasurer), John Fontanilla (auditor), Francis Simeon at Leony Garcia (public relations officers).

Board of directors: Joe Barrameda, Eric Borromeo, Roldan Castro, Jimi Escala, Sandy Es Mariano, atRommel Placente

Nagpasalamat si 2021 PMPC President Roldan Castro sa naging suporta ng opisyales at mga miyembero sa kanyang termino na sa kabila ng pandemya ay matagumpay na nairaos ang tatlong awards night sa pamamagitan ng online platform.

Sinabi naman ni 2022 PMPC President de Guzman na ipagpapatuloy niya ang magandang simula ng virtual events ng PMPC kung saka-sakaling hindi pa rin mapapayagan ang physical awards night sa taong ito. Hinikayat niya ang mga officer na lalong magsikap at magtulungan para sa kabutihan at ikauunlad ng PMPC at ng mga miyembro nito.

About hataw tabloid

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …