Thursday , July 18 2024
Mike Defensor Herbert Bautista

Mike Defensor, mag-aala-Herbert sa pagmamahal sa entertainment media

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAS nakilala ng ibang kasama sa entertainment media ang leading Quezon Cty mayoralty candidate na si Rep. Mike Defensor nang makahuntahan namin siya recently.

Naikuwento ni Rep. Mike at nabanggit ang kanyang mga naging karanasan sa public service.

Aniya, “I have been in politics for the past three decades. I was first elected at the age of 22 as councilor of Quezon City and then later on at the age of 25, I served as congressman of Quezon City.

“Throughout the years, I served twice in congress and then in the cabinet. Doon ho sa Housing matagal ang aking pagkaka-upo, as Secretary of Housing and then later on sa DENR.”

Pagpapatuloy pa ni Rep. Mike na siyang kinatawan ng ANAKalusugan Partylist, “Ngayon ho, pagdating ng eleksiyon, wala ho talaga akong plano. In fact, when I ran for congress, I had no plans, I was the second nominee. Sabi nila, ‘Ca you please help us as second nominee of ANAKalusugan’, sinabi ko ko ho agad, ‘Hindi ko ho expertise ang health, but anyway, I can study and I can help you out.’

“Hindi ho inaasahan na during my stint, there would be Covid and health would be a major issue in the problems that we are facing today.”

Marami siyang magandang plano sa QC tulad ng paglaban sa Covid 19 at ilan sa  prayoridad ni Defensor kapag naging mayor na ay tutukan ang hanapbuhay, edukasyon, at ayuda na dapat daw ay para sa lahat at hindi sa iilan lang.

Nang tanungin naman namin kung kaya ba niyang mag-ala Herbert Bautista na noong mayor ng QC ay darling ng entertainment press? Na kahit na noong nagpahinga sa politika ay patuloy pa rin ang pag-alalay at hindi nakakalimutan ang mga showbiz press, ito ang sagot ni Rep. Mike:

“Siyemre naman po, in fact kung inyo pong mamarapatin, hihingan ko rin po kayo ng kontribusyon. Meaning, iyong sinasabi nating City of Stars, Entertainment Capital, kung puwede hong upuan din po natin para kung ano iyong programa na iyan.

“I have now a general platform on how to achieve several programs, but I want it enhance by asking your help. Kasi po kayo, hindi lang kayo tumatawaid sa mga artista, tumatawid kayo sa mga nagtatrabaho sa industriya, tumatawid kayo sa mga producers… Meaning to say, all sectors ay kausap ninyo and you can give me a holistic program on how we can be able to achieve this,” nakangiting esplika pa ng future mayor ng QC.

About Nonie Nicasio

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan …