Thursday , May 26 2022
Muzon SJDM Bulacan

House Bill No. 6866
KONGRESO NAGPASA NG BATAS NA HAHATI SA MUZON SA 4 BARANGAY

NAGPAHAYAG ng kagalakan si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa ginawang pagpasa ng dalawang kapulungan ng kongreso sa panukalang batas na hatiin ang Barangay Muzon sa kanyang lungsod sa apat na barangay na may kanya-kanyang kalayaan para sa paghahatid ng serbisyo.

Naganap ito matapos sangayunan ng Kamara nitong Lunes ang mga amiyendang ginawa ng Senado sa House Bill No. 6866 na naghahati sa Brgy. Muzon sa apat na magkakahiwalay at naiibang barangay na tatawaging Brgy. Muzon Proper, Muzon East, Muzon West, at Muzon South.

Ayon kay Robes, ang Brgy. Muzon ang itinuturing na may pinakamalaking populasyon sa kanyang lungsod na may mahigit 100,000 residente at ang paghahati rito sa apat na barangay magiging daan upang mapabuti ang pagkakaloob ng serbisyo sa mga naninirahan.

“Splitting the barangay will not alter its administrative status. This will improve the delivery of social services and effectively managing resources for the general welfare of the whole constituency of the city,” ani Robes.

Ang paghahati sa apat na barangay ang magiging paksa sa gaganaping plebisito na isasagawa ng Commission on Elections (Comelec) na gaganapin sa loob ng 90-araw mula sa pagpapatupad ng naturang batas. Ang magugugol na salapi sa gaganaping plebisito ay babalikatin ng lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte.

Ang unang hanay ng mga mauupong opisyal sa bagong barangay ay ihahalal sa isang espesyal na eleksiyon na pangangasiwaan ng Comelec na dapat ganapin ng hindi lalampas sa 90-araw mula sa pag-aproba ng nakararaming boto sa plebisito.

Ipagpapatuloy ng mga kasalukuyang opisyal ang kanilang panunungkulan hanggang sa panahong mahalal ang hanay ng mga bagong opisyal.

Nakasaad din sa inaprobahang batas na ang mga kasalukuyang pampublikong impraestruktura at pasilidad ay ililipat sa bagong barangay.

Sila ay may karapatan din sa bahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA) batay sa ilalim ng Section 285 ng RA 7160 o ang Local Government Code of the Philippines.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …