Wednesday , July 17 2024
Marawi
Marawi

Marawi Compensation Bill dapat ipasa bago bumaba si PRRD sa Hunyo — Bistek

NANAWAGAN si dating Quezon City mayor at tumatakbo ngayong senador na si Herbert “Bistek” Bautista sa Malacañang at sa Kamara na ipasa na ang Marawi Compensation Bill para matulungang makabalik sa normal na pamumuhay ang 300,000 Maranao at iba pang katutubo sa Marawi City na napilitang lumikas sa kasagsagan ng Marawi siege.

Halos limang taon na ang nakararaan nang kubkubin ng ekstremistang grupong Islamic state ang Marawi City.

Naging madugo ang naging bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at miyembro ng Islamic state na nagbunga ng pagkawasak ng buong lungsod.

Ani bautista, dapat madaliin ang naturang panukalang batas para maibigay ang nararapat na tulong sa mga biktima ng Marawi siege.

Aniya, marami pa rin sa kanila ang nagtitiis na tumira sa mga barong-barong o nakikisilong sa kanilang mga kamag-anak.

Isa namang magandang balita ang pagkakapasa ng Senate Bill 2420 sa ikatlo at huling pagbasa, umaasa si Bautista na magsisimula sa lalong madaling panahon ang pagtalakay nito sa Bicameral conference committee para mapirmahan ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Bautista, kapag naipasa na, ito ang magiging pamanang batas ng ika-18 Kongreso at ni Pangulong Duterte mismo sa mga Maranao at iba pang Muslim sa lungsod ng Marawi.

Todo ang suporta ni Bautista sa naturang panukalang batas bunsod ng nakamit na pakikiisa at suporta mula sa Muslim vommunity nang siya ay alkalde ng Quezon City at naging tagapangulo ng Regional Peace and Order Council sa National Capital Region.

About hataw tabloid

Check Also

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

IPINADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pamamagitan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang 21 …

Sa Bataan LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

Sa Bataan
LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

NADAKIP ang isang senior citizen na sangkot sa ilegal na droga at dalawa niyang kasabwat …

Sa Bulacan 7 SUSPEK SA DROGA, 2 KAWATAN TIMBOG

Sa Bulacan
7 SUSPEK SA DROGA, 2 KAWATAN TIMBOG

ARESTADO ang pitong indibidwal na pinaghihinalaang pawang mga sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga, …

shabu drug arrest

Sa crackdown ng PRO3  
4 DAYUHAN, 1 TULAK NASAKOTE SA DROGA

NASUKOL ng mga awtoridad ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kinabibilangan ng …