Saturday , May 21 2022
John Lloyd Cruz Ejay Fontanilla

Ejay Fontanilla, idol si John Lloyd Cruz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA ang showbiz career ni Ejay Fontanilla sa Cebu, noong 2006. Mula rito, dahil desidido siyang maabot ang kanyang mga pangarap, nakipagsapalaran siya sa Maynila.

“I’m a Visayan actor and lumalabas ako sa CCTN (Cebu Catholic Television Network) 2006-2007. Then, gusto kong maglevel-up kaya sumali ako sa mga auditions noong nasa Cebu pa ako. Sabi ko sa aking sarili, ‘Pagdating ko ng 20 years old, kapag hindi pa ako makuha ay makikipagsalaran ako sa Manila’. Kaya ayun, napunta ako rito sa Manila last 2010.”

Inusisa namin kung ano ang mga naging projects niya? “Noong pagdating ko sa Manila, naging regular talent ako sa GMA-7. Like yung Tweenhearts at iba’t ibang shows pa roon. Sa Pepito Manaloto… naging suki rin ako rati sa Magpakailanman at Kapuso Mo Jessica Soho… Nag-movie na rin ako at TV commercial before.”

Paano siya napunta sa pag-aalaga ng Viva Hot Babe na si Maricar dela Fuente?

Esplika ni Ejay, “Before, naging road manager ako sa alaga kong si Ashley Sarmiento (Young Dyesebel), Goin Bulilit… GMA artist na siya ngayon. Hawak siya ni Kuya Vic Naynes, na naging boss ko. Pero nag-resign din ako kasi nag- focus ako sa sarili ko. After 8 years, nag-manage na ulit si Kuya Vic at binalikan niya ako. Sa pagbalik-manage niya, ang dami niyang plano for me, pero nauwi rin sa wala lahat since he passed away last March 2021.

“Actually, kaya nakilala ko si Maricar, kasi friend din siya ni Kuya Vic and she helps me out sa Viva. Instead of pagbalik niya as artista, nag-manage na lang siya.”

Ano ang reaction niya, ngayong isa na siyang contract artist ng Viva?

Aniya, “I’m super-happy. Kasi noong may nagawa akong projects under ng Viva, sabi ko balang araw magiging exclusive artist din nila ako.

“Ang dami kong sign na hiningi kay God kung mag-Viva ako. Ilang days na lang bago ang contract signing, pero lahat ng sign na ibinigay Niya, puro positive. So nag-go ako. Kaya sobrang saya ko, lalo pa ang handler ko (Maricar), na sobrang maalaga sa amin.”

May actor ba na wish niyang sundan ang yapak? “Marami… Sa actingan, comedy at drama, super idol ko si John Lloyd Cruz. Naka-work ko na siya before sa biogesic commercial noong 2013 at Home Sweetie Home sa Dos,” saad pa ni Ejay.

About Nonie Nicasio

Check Also

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …

Kris Aquino

Kris sinupalpal mga nagpapakalat na agaw buhay na siya

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAGPAABOT ng mensahe ng pagmamahal, pagdarasal, at mabilis na paggaling kay Kris …

Ejay Falcon Rhea Tan Beautederm Jana Roxas

Pagkapanalo ni Ejay ikina-proud ni Beautederm CEO Rhea Tan 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PROUD ate si Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa itinuturing niyang …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …

Heart Evangelista

Heart nagpakatotoo inaming nakipag-one night stand

MA at PAni Rommel Placente NAKATUTUWA naman si Heart Evangelista.  Game na game kasi siya na …