Friday , May 27 2022

Monica matagal itinago ang pagkakasakit

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI madaling tanggapin ng isang taong may sakit ang kalagayan niya lalo na at ang kapakanan ng mga minamahal sa buhay ang pinagtutuunan na ng pansin sa mahabang panahon.

Nagkaroon naman siya ng pagkakataong makilala sa showbiz. Dito na rin nagka-love life at nagkaroon ng mga supling.

Sa dekada ‘80 umalagwa naman ang pangalang Monica Herrera. At naikabit nga sa kanya ang Jeric Raval, na naging ama ng kanilang supling.

Aba! Nasa showbiz na rin ang anak nilang si Janina Raval. Artista na rin. At very soon, magbibida na rin sa Just The 2 of Us na ididirihe ni Danni Ugali.

Matagal na naming nalaman ang nangyari kay Monica. Sa kanyang kalusugan. But that time, ipinakiusap nitong huwag na lang isulat at tahimik na naman ang buhay niya at wala na nga siya sa entertainment world.

Kaya, tsikahan lang sa FB ang mga kaganapan.

Until recently. Nagbukas na ng saloobin niya si Monica.

“I had a Stroke lSt June 2017. No one knew abt my condition except my immediate family n close relatives. 

“My fam chose to be quiet kasi they don’t want others to pity me. Pero last yr nag decide na kami n it’s abt time to expose my condition since it’s almost 3 yrs na I was confined at the ICU for more than a wk n stayed at Capitol for a mo. 

“Stroke was a but big left side of my body was affected. My memory is sharp tho. Pero I still refuse to talk to other pipol kasi lumaki ang boses ko.

“Left side of my body was affected can’t move my left arm n left leg. Continously going to rehab kaso natigil brcoz of the pandemic. I’m too lucky brcoz it was purely God’s blessing that I’m still alive  mahirap pero I have to close my eyes and accept these God’s blessing basta this is still a blessing. 

“Mabuti n lang hindi ako nadedepress: bmaybe bcoz dito mommy ko and I surrounded ako NG pag mamahal NG mga kapatid ko mga anak ko at higit sa lahat ng mga apo ko…

“Yan din zinabi ko ke Tita Aster at pls wag nyo n lang along isulat dahil hindi n an ako artista…”

Dagdag pa ni Monica, “I am very sorry matagal na kasi ung huli tayong nagkatx. Years after na di ba. Ayoko naman talaga na kasi painterview hindi n nman ako nagaartista. Kaya lang ng mahospitalized ako last part of 2021 nagpost si Janina ng pic ko sa loob ng hosp.  At nangyari na nagsalita n ako.  

“sa fb ko kasi gusto kong mapasalamatan  yung mga doctor ko n walang sawang nakikinig sa kakulitan ko re my condition at hindi sila nagpabayad sa mayat maya kong consultation sa kanila. After nga the writeup daming sunod sunod n nagmemsg sa akin ung iba sa online shows pero d ko pa rin magawa. 

“Even nung d pa ko naistroke at wala pang pandemic daming gustong mag guest sa akin dami ring tumatawag sa akin nuon para balikan ko ang pagaartista hindi ko rin nagawang balikan ayoko eh. Kaya nagso-sorry ako sa lahat…

“Wud you believe wala pang sinuman sa mga friends ko at taga industriya na nakapasok dito sa haus after my stroke even nung d p pandemic. Kasi gusto ko kung magkikita kami ung malakas ako kahit nastroke ako. Madali kasi akong mapagod at mahilo.”

About Janina?

Re Janina supportive naman ako sa lahat ng gusto niya sa buhay. Ang sabi ko at sa lahat ng anak ko na naniniwala ako na kung para sayo ang isang bagay para sayo yan. At pag binigay sayo treasure it make the most of it. Be thankful for everything. 

“Kasi yan ang natutunan ko ke Mommy ko na lahat ng bagay pangyayari sa buhay mo dapat ipagpasalamat mo. Lahat maganda o hindi magandang pangyayari sa buhay always be thankful kaya ako never akong nadepress sa situation ko. 

“Thankful ako na I’m still alive at nakakasama ko ang family ko. Si Janina pag nandito siya, almost evrryday naman magkakasama kami. Pag may okasyon kahit kami kami lang sila ng ateJenica  niya ang nagaayos sa akin. Si Joshua my eldest my therapist taga massage ko Me karaoke time din kami pipilitin nila akong kumanta e kaso nagiba ang boses ko after the stroke.hehe”

Paano mo naman siya sinusuportahan sa pagbibida na niya ngayon sa pelikula produced by Harley Li?

Nagbigay ng tips. Meron ba wala ata skong binigay na tips kasi ang mga kabataan ngayon iba na. Sabihin nila Milllennial n ngaun. Un siguro hindi tips kundi paalala na maging humble siya at wag siysng gagawa ng labag sa kalooban niya. Na walang sinuman na pdeng pumilit sa kanya. Sabi ko lang install niya sa mind niya ung salitang IN HIS TIME pag panahon mo n darating un

“Kung makakasunod siya sa yapak namin ni Jeric? May potential, may  willlingness at may talent siya. Given the right break oo nama

“Marami namang best na ginawa mga anak ko for me. Si Janina in particular yung pagaalaga at very generous sa family alam mo bang TF niya ung bank accnt ni Mommy binigay niya at dun dineposit, she always make it a point pag lumabas siya madalas may dala siya for me actually for everybody pa nga. At un nga dahil uso na si Shoppee at Lazada madalas nay inoorder siya for me. Malambing siya…Love you.

Sa panahong ito, sa rami na ng mga nagaganap sa mundo, hindi nga madaling makasalubong si Depression.

Sa kaso ni Monica, buong tapang niyang hinaharap ang pagsubok na iniatang sa kanya ng Panginoon.

Nang makita namin sa storycon ng pelikula nila si Janina at kumustahin ang Mama niya, may katuwaan namang kasama ang kuwento niya sa bumubuti na kalagayan nito.

Kaya nga pursigido si Janina sa pagsunod sa yapak ng mga magulang. Para may patunayan. At ipagpatuloy ang nakilala na sa mga nagawa nila sa industriya.

About Pilar Mateo

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …