Tuesday , February 7 2023
Marian Rivera Dingdong Dantes Miss Universe Israel

Marian mugto ang mata nang umalis; 10 maleta at 20 gowns bitbit pa-Israel

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI napigilan ni Marian Rivera na maluha nang magpaalam siya sa mga anak na sina Zia at Ziggy bago lumipad papuntang Israel bilang isa sa mga hurado sa Miss Universe pageant.

Sa Chika Minutereport ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras, sinabing dumating na si Marian sa Israel bago mag-5:00 p.m. nitong Martes.

Bago ito, namumugto raw ang mga mata ni Marian nang makita ng GMA News sa airport bago lumipad patungong Israel nitong Lunes ng gabi.

Ito kasi ang unang pagkakataon na mawawalay ng ilang araw si Marian kina Zia at Ziggy sa loob ng dalawang taon.

Hindi naman hinayaan ni Dingdong Dantes na lumipad na mag-isa ang kanyang asawa para mag-judge sa Miss Universe kaya todo-suporta siya kay Marian.

Ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram stories nitong Lunes ang sweet moments nila ni Dingdong habang nasa flight patungong Dubai bago tumulak pa-Israel.

Bahagi si Marian ng selection committee ng 70th anniversary edition ng naturang paligsahan.

Si Marian ang latest na Pinoy na uupo bilang judge sa Miss Universe, na isa sa longest-running at most prestigious pageant sa mundo.

Kasama rin nina Marian at Dingdong ang glam team ng Kapuso Primetime Queen at mga opisyal ng Triple A Management.

Dala nila ang aabot sa 10 maleta na naglalaman ng 20 outfits na pagpipilian para sa maraming events na dadaluhan ni Marian.

Mabilisan lang ang paghahanda nila sa mga outfit ni Marian, na halos mga lokal na designers ang gumawa.

Dagdag pa nila, naging hadlang din ang COVID protocols kaya hindi umabot ang ilang gowns mula sa ilang international designers. Pero nakapag-fit at naayos nila ang mga magiging look ni Marian.

About Rommel Gonzales

Check Also

LA Santos

LA Santos kinilig nang manalo sa 35th PMPC Star Awards for Television

MATABILni John Fontanilla GRABE ang kilig ni LA Santos nang magwagi bilang Best New Male TV Personality …

Bela Padilla Marco Gumabao Spellbound

Bella, Marco parehong mahusay sa Spellbound

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang  Pinoy adaptation ng Korean blockbuster film na Spellbound na siyang magiging pre-Valentine …

Robin Padilla Kylie Padilla Gabby Garcia Gina Pareño

Robin wish ni Kylie na mag-guest sa Mga Lihim ni Urduja

COOL JOE!ni Joe Barrameda PUSPUSAN ang taping ng Mga Lihim Ni Urduja na siyang papalit sa Maria Clara …

David Licauco

David Licauco sinuwerte sa Maria Clara at Ibarra

COOL JOE!ni Joe Barrameda SA bagong yugto ng Maria Clara at Ibarra ay napakaganda ng Pastor nila …

LA Santos

LA Santos kaabang-abang ang proyekto kasama si Maricel Soriano

COOL JOE!ni Joe Barrameda TUWANG-TUWA si LA Santos nang tanggapin niya ang Best New Male Artist trophy …