Thursday , June 4 2026
Andi Abaya Joaquin Domagoso

Joaquin at Andi panalo sa pagpapakilig

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKARAY ako na panoorin ang full length movie ni Joaquin Domagoso na Caught InThe Act na ipinareha siya kay Andi Abaya.

Kung babalikan ang mga proyektong nagawa na ni Joaquin at naisama o naipareha na siya sa sari-saring leading ladies kumbaga, itong anak ni Yorme eh, sasabihin mong pasok sa banga ng magiging future leading man sa TV man o pelikula.

Did he pass sa acting niya rito? 

Swak naman sa kanya ang character niya. Estudyanteng kengkoy. Marami pang ii-improve. Pero kung sa kiligan ang pag-uusapan, ang daming nakiliting fans sa sinehan noong nag-moment na sila sa pakyutan ni Andi.

Nasipa ang Yorme na pelikula ng tatay niya para siya sanang unang sumalang sa local films sa pagbubukas ng sinehan. Siya na ang pumalit sa tatay niya o ang pelikula niya.

Hindi naman nakadalo si Joaquin sa special screening ng pelikula niya. 

Inaabangan nga kung sino sana ang ka-date niya.

May girlfriend na nga raw ba ang anak ni Yorme na isang Atenista? Na saksakan ng ganda at ubod ng talino pa.

May tamang panahon para ilantad siya. Parang ‘yung sabi lang ni Yorme sa anak niya. Magtapos muna ng pag-aaral para mapayagan siyang mag-showbiz.

Ang alam ko, hindi lang nakatuon ang pansin ni Joaquin sa showbiz. Parte siya ng mga kabataang kabilang sa Rotary Club of Makati sa kanilang Reviving Hope ng mga kasamang sina Princess Adriano, Nashden Mark Haley, at Lars Fanio.

Baka ‘yun ang isang side na pinaghahandaan naman kay Joaquin para sa medyo malayo pang kinabukasan din niya sa politika. Kaya, love has to take a backseat muna.

He takes after the Dad.

‘Yung pelikula ba? Tinapos ko naman. Because I wanted to see Joaquin’s projection, acting and blending sa mga karamihan eh, baguhan ding kaeksena. They gelled well.

Caught in the Act. Ang app na binuo ng mga estudyante to solve a crime. ‘Yun! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …