Monday , August 15 2022
Alden Richards Jasmine Curtis-Smith

Alden ipinagtanggol ‘intermission’ ng kanilang serye ni Jasmine

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGKAROON ng “intermission” o break ang pag-ere ng The World Between Us noong August 27 at simula nitong Lunes, November 22 ay napapanood na muli ang mga karakter nina Alden RichardsJasmine Curtis-SmithTom RodriguezJaclyn Jose, at Dina Bonnevie sa GMA Telebabad block.

Ayon kay Alden nagpapasalamat siya na nagkaroon ng “intermission” ang kanilang serye. “I’m very thankful for this break. And I think it should be a practice din as well dito sa atin kasi sa atin ‘pag sinabing break, negative agad, ‘Ah, hindi okay! Ah ganito, hindi nagre-rate, etc, etc…’

“I think that’s not the point . I think it gives the story more time to prepare for the second part, and kung mapapansin nila, if they watch foreign shows uso po ang season break sa ibang bansa.

“So hindi naman kami ang unang nag-season break sa buong mundo.”

Tulad ng sikat na crime/drama series sa Netflix na Money Heist,

“Nag-season break ‘yun!

“So it really gives the writers, the actors, the directors and everyone involved in that project time to prepare more for the comeback. And it thickens the plot of the story even further.

“So ang gandang opportunity niyon for us, to give us time to prepare as opposed sa old normal way natin of shooting a teleserye, paspasan at mabilisan.

“Kaya parang medyo mahirap on our end, siyempre mahirap din sa end ng management and ng production kasi mayroon kaming deadline since we shoot ng MWF [Monday-Wednesday-Friday] and we air five days a week.

“So ang laking bagay talaga tapos na ‘yung project bago pa lang siyang umere kasi para sunod-sunod na ‘yung buong storyteling niya.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …