Saturday , October 1 2022

Gerald parang bangus para kay Janice de belen

TAONG 2015 nang matsismis sina Janice de Belen at Gerald Anderson na naging dahilan daw ng break-up ng aktor sa girlfriend niyang si Maja Salvador na nakarelasyon niya noong 2013.

Nagsimulang umugong ang tsismis kina Janice at Gerald nang magsama sila sa teleseryeng Budoy noong 2011-2012 pero itinanggi naman kaagad ito ng dalawa at para hindi na lumala ang tsika ay nag-iwasan na lang sila.

Sa guesting ni Janice sa Magandang Buhay nitong Lunes, Mayo 17 ay tungkol sa mga pagkain ang topic at magpapakita ng mga larawan ng artistang lalaki at ihahambing sila ng aktres.

Nauna si Paulo Avelino na inihambing sa, ”siya ‘yung cookies na favorite ko na binibili ko pa sa Amazon (online), sobrang sarap. Si Paulo kasi naglalambing ‘yan kapag nagte-taping kami pupunta ‘yan sa tent namin at maghahanap ng pagkain, so lagi siyang may food lagi sa akin.

“Tapos one time, sabi ko, ‘Pau, pa-food ka naman (manglibre)’ tapos tinanong niya ako, ‘ano bang gusto mo sa Amazon?’ Naisip ko, uy amazon, sabi ko itong cookies na lang tapos noong nagtaping kami naka-box ang dala niya, so ang dami niyang inorder, siyempre in-offer ko naman sa mga nandoon (sa taping), so nagkuhaan naman tapos sabi niya, ‘o isa lang ang puwedeng kunin, ha?’  Kaya ‘pag si Paulo, ‘yung cornflake cookies ang lagi kong naiisip.”

Sunod ay si Daniel Padilla na si Karla Estrada ang nagtanong kung sa anong pagkain ikukompara ni Janice ang anak.

“Alam n’yo si Daniel hindi ko pa siya nakakasama ng matagal. Nakikita ko lang siya kapag may mga showbiz gatherings, so kapag nakikita ko siya nagha-hi siya, bumabati siya pero never ko pa siyang naka-work o nakasama. 

“So ang iisipin kong pagkain sa kanya ay something na hindi ko pa natitikman, Veal!,” sambit ng aktres.

Tinanong nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kung ano ang veal.

“Veal, siya ‘yung batang baka. Karne ng batang baka. Sabi nila mabait din daw si Daniel, sabi nila,” nakangiting sabi ni Janice.

“Oo mabait,” say naman ni Melai.

Sa Bangus ikinompara ni Janice si Gerald.

“Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus kaya lang matinik. Matinik kasi parang ang daming isyu. Like me, for example. Hindi ba na-link kami for a while, wala naman talagang ili-link.

“It’s just that for the longest time that we worked together at kahit na noong hindi kami nagwo-work together, he is really like a brother to me.

Super brother ang tingin ko sa kanya. Brother, barkada, kasi napagku-kuwentuhan namin ang kahit ano.

“I share the same kind of friendship with Enchong (Dee) with Rayver (Cruz). So I share the same kind of friendship. So non-issue siya but hindi ko alam kung bakit naging issue.

“And you know that thing is, ang hirap sa trabaho natin kasi kapag na tsismis ka na, na-link ka ng ganyan, whether you like it or not, totoo o hindi, it destroys friendship. Hindi naman destroyed ang friendship namin but our friendship has changed,” paliwanag ng aktres.

Marami pang pangalan ng aktor ang tinanong kay Janice at panoorin na lang sa Magandang Buhay.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply