Friday , October 7 2022

ABS-CBN’s series mapapanood sa TV5 

GABI-GABI ay nabubusog sa aksiyon, inspirasyon, kilig, at aliw ang mga Filipino sa panonood nila sa TV5 ng mga ABS-CBN teleseryeng  FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init sa Magdamag, at Asianovelang Count Your Lucky Stars.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 ang mga bagong episode ng mga bakbakan ni Cardo, mga himala nina Mira at Joy, mga mapupusok na eksena ni Tupe, at ang pagpapakilig ni Jerry Yan sa bago niyang serye.

Subaybayan ang pambansang teleseryeng FPJ’s Probinsyano at ang maaaksiyong pakikipagsapalaran ni Cardo (Coco Martin) kasama si Lia (Jane De Leon) sa patuloy niyang paghahanap ng hustisya para sa kanyang namatay na asawa.

Makakukuha naman ng inspirasyon sa Huwag Kang Mangamba, na unti-unting napapalapit nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) ang mga tao sa Hermoso kay Bro habang umiigting ang paghahanap nila ng pondo sa pagtatayo ng simbahan sa bayan.

Nakatakda namang bumalik ang nakaraan sa Init sa Magdamag, na nagkakalapit ang mga mundo ng dating magkasintahang sina Tupe (Gerald Anderson) at Rita (Yam Concepcion) dahil sa pagsasama nila sa isang proyekto.

Magle-level up naman ang kilig at drama nina Calvin (Jerry) at Andi (Shen Yue) sa Tagalized na Count Your Lucky Stars pagkatapos umamin ni Andi na may gusto siya kay Calvin habang lasing ito.

Isa ang TV5 sa platforms na nae-enjoy ang mga palabas ng ABS-CBN sa patuloy nitong paghahanap ng paraan na maabot ang mga Filipino nasaan man sila. Kamakailan, inilunsad ng ABS-CBN ang Andito Kami Para Sa’ Yo plug sa social media, isang taon matapos itong mawala sa ere, para ipaalala sa mga Filipinong andito pa rin ang ABS-CBN para maglingkod at magpalabas ng mga programa sa free TV, cable TV, at online.

Bukod sa TV5, mapapanood ang apat na primetime shows na ito sa A2Z Channel at Kapamilya Channel.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya nagyakapan nang magkita sa GMA 

RATED Rni Rommel Gonzales SPEAKING of kilig, kilig din ang hatid ng recent guesting ng Start-Up …

Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Dating sikat na matinee idol suki ng mayayamang bading sa car fun

ni Ed de Leon “KAILAN ba siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss na namin siya,” tanong ng …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin sumailalim sa angioplasty

HATAWANni Ed de Leon NAKAKA-CONFUSE iyang lumalabas sa social media na sinasabing naoperahan sa Asian …

MTRCB

Sa paggawa ng pornograpiya
‘PINAS KA-LEVEL NA NG JAPAN, SK, CHINA

HATAWANni Ed de Leon NATURAL umaangal ang mga gumagawa ng mga pelikulang soft porn na …

Leave a Reply