Saturday , June 22 2024

Sharon, ibinando ang seksing pigura habang naka-swimsuit

PROUD na ipinakita ni Sharon Cuneta ang kanyang sumeseksi nang pigura sa pamamagitan ng kanyang social media account na Instagram.

Isang picture na nakaupo lubog ang kalahating katawan at nakasuot ng one piece swimsuit sa swimming pool ang ibinahagi ni Sharon at sinabing size 10 na ang kanyang swimsuit. Ito’y dahil sa ginagawa niyang pagda-diet.

Aniya, ”Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs.”

Sinabi pa ni Sharon sa kanyang post na hindi na siya mahihirapang bawasan ng 20 lbs. ang kanyang weight dahil sa pagda-diet niya, nakapagbawas na siya ng 60-80 lbs

“after so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs., 20 doesn’t seem like too much work anymore.<Øûßþ,” sambit niya.

Kaya naman humihingi siya ng dasal para maisakatuparan pa ang pagbabawas. ”Please pray for me. Then WATCH ME. Hah! Thank You Lord for that all-important bonk on the head before 2020 ended that knocked me into my senses – now it’s even been helping me lose weight! Nyahaha! Galing ng Diyos talaga. Love you everyone! Thanks for your loving messages.”

Sa isa pang post, naalala naman niya na parehong-pareho ng suot niyang swimsuit ngayon sa ginamit din niya sa pelikulang Friends In Love noong 1983.

“I remembered pala just as I had worn this swimsuit that it’s almost the same as the Speedo I wore in the movie “Friends In Love!” As in almost akala ko nga exacto! Still love it!!! (See my stories!),” sambit pa nito.

Noong Linggo, sinabi ni Sharon na sa labas ng Manila niya ise-celebrate ang kanyang ika-55 kaarawan para iwaksi ang mga taong negative, toxic at pahalagahan na lamang ang mga loyal na kaibigan.

“Made it through all the trials of 2020. Helped happily as much as I could, got hurt, even by some I trusted and loved most; lost people I loved, lost friends but made new ones. Treasuring my most loyal friends more.

“Birthday’s coming up and I chose to leave the city. Needed to get away and LET GO of all things and people negative and toxic,” post pa ni Sharon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *