Friday , July 26 2024

Nadine, imposibleng mabigyan ng trabaho

SIGURADONG magiging happy ang mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre kung totoong nagkabalikan na sila gaya ng claim ng isang malapit sa kanila.

Pero totoo nga bang nagkabalikan na ang dalawa? Sana ay manggaling mismo sa bibig nina James at Nadine na they’re playing sweet music together again para talagang matuwa ang mga nagmamahal sa kanila especially ang kanilang avid supporters. Na noong mag-break sila ay umaasa pa rin ang mga ito sa pagbabalikan nila.

Pero kung talagang nagkabalikan na sila, malabo namang magkabalikan sila o magkasama muli sa isang pelikula o proyekto.Dapat maayos muna ni Nadine ang problema o gusot niya sa Viva. Hindi magagawang maoperan si Nadine ng proyekto na hindi dadaan sa Viva.

Hanggang ngayon kasi ay may existing contract pa siya rito. Na naging dahilan nga para idemanda siya nito sa ginawang pag-alis niya sa kompanyang pag-aari ni Vic del Rosario.

Dapat ay tapusin  na muna niya. Then, huwag na siyang mag-renew kung talagang ayaw niya na sa Viva.

Naiintindihan ko naman si Nadine sa ginawang pag-alis niya sa Viva. Ang papangit naman kasi ng mga huling pelikulang ibinigay sa kanya no! Kaya puro flop gaya ng Ulan, na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *