Thursday , October 6 2022

Nagbanta sa dating sports writer sinampahan ng kaso

NAGSAMPA ng kasong kriminal sa piskalya ang dating sports writer laban sa apat na dating agent nito sa isang construction firm na nagbabanta sa kanyang buhay matapos niyang sibakin sa trabaho.

Kasong grave threats ang isinampa kahapon sa Las Piñas City Prosecutors Office  ni Virginia Rodriguez, dating sports writer ng Manila Bulletin laban sa mga suspek na sina Christine Adaniel Escalante Reuyan at Mark Eudell Guerrero, habang slander naman kina Jose Gayoba, alyas Madam Lola at Myla Gumban.

Sa reklamo ni Rodriguez, sinabi niyang mula nang sibakin niya ang mga suspek ay pinagbabantaan na umano siya na papatayin.

Aniya, kumuha umano si Reuyan ng isang bayarang gunman at nagbigay ng paunang bayad na P100,000 upang siya ay ipatumba.

Ani Rodriguez, sinisiraan pa umano siya ng mga suspek sa mga taong kakilala niya sa gobyerno upang sila ang makapagpatuloy ng mga proyekto matapos nakawin ang ilang dokumento sa kanyang kompanya.

Ayon kay Rodriguez, kompleto siya ng mga ebidensiya hinggil sa planong pagpatay sa kanya at paninira.

“Si Reuyan, Guerrero, Gayoba at Gumban ay nagkita sa isang lugar upang planohin ang pagpatay sa akin. Si Guerrero ang kumontak sa isang dating military gun man upang itumba ako sa halagang P1 milyon,” ani Rodriguez.

Aniya, mula noong nakaraang linggo ay mayroong mga kotse na umiikot sa kanyang bahay upang manmanan siya, at mayroon din mga kahina-hinalang mga sasakyan ang sumusunod sa kanya tuwing siya ay lumalabas ng bahay.

Una na rin nagpa-blotter sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detectio Group (CIDG) si Rodriguez dahil sa death threats sa kanya ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

gun shot

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan …

prison rape

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng …

shabu drug arrest

MWP, kinakasama timbog sa droga

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa …

nakaw burglar thief

Sa Candaba, Pampanga
5 KAWATAN NASAKOTE, 4 TINUTUGIS 

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, nadakip ang limang lalaking nanloob sa isang grocery …

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

Leave a Reply