Sunday , October 24 2021

AWOL na pulis todas sa tambang (Sa Maynila)

PATAY na bumulagta ang isang pulis na sinabing matagal nang nasa talaan ng absent without leave

(AWOL) ng Manila Police District (MPD) nang tambangan habang lulan ng  kanyang motorsiklo sa Tondo, Maynila, kahapon, Huwebes ng umaga

Hindi na naisugod sa ospital ang bumulagtang biktima na kinilalang si P/Sgt. Drandreb Cipriano, 47 anyos, residente sa Lallana St., Tondo dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ng MPD Homicide Unit, naganap ang pananambang dakong 9:10 am habang lulan ang biktima ng kanyang itim na Yamaha Mio at binabagtas ang naturang lugar ngunit paglampas sa kanto ng Vitas at Bonifacio streets ay biglang pinagbabaril ng isang hindi kilalang gunman.

Mabilis na tumakas ang suspek lulan ng itim pero hindi naplakahang motorsiklo patungo sa Ugbo St.

Sa karera ng biktima bilang isang pulis, taong 2006 noong PO1 pa lamang ay naging target ng PNP-CIDG sa hinalang nagsu-supply ng ilegal na droga sa Tondo.

Muntik noong mauwi sa madugong komprontasyon sa PNP-CIDG ang isinagawang operasyon na isa ang biktima sa apat na inarestong pulis-Maynila.

Ayon sa source, ilang taon nang AWOL  si Cipriano makaraang mapabalita na sangkot sa kalakaran ng droga sa Tondo.

Gayonman, sa kabila ng pagiging AWOL ng biktima ay patuloy siyang sumasama sa ilang miyembro ng pulisya sa lungsod.

Nakuha mula sa biktima ang isang kalibre .45 baril at patuloy ang imbestigasyon ng MPD sa posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima at pagkakakilanlan ng suspek. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

102221 Hataw Frontpage

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Chest X-Ray

Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray

SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang …

Leave a Reply