Sunday , May 19 2024

Korina, muling nagpakita ng suporta sa BeauteDerm at kay Rhea Tan

MINSAN pang nagpakita ng suporta ang veteran TV host na si Korina Sanchez sa pagbubukas recently ng 93rd Beautederm store na tinawag na Beaute Forever by Beautederm na matatagpuan sa Gateway Mall sa Araneta City, Quezon City.

Sa ginanap na store opening nito’y marami ang pinasaya ng star-studded mall show at meet and greet na idinaos sa Activity Area ng Gateway Mall. Kabilang sa Beautederm babies na present dito sina Ms. Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ken Chan, Pauline Mendoza, Jestoni Alarcon, Tonton Gutierrez, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Sherilyn Reyes Tan, Anne Feo, Kitkat, Alynna Velasquez, Alyana Asistio, at Alex Castro.

Hosts naman dito sina Shyr Valdez at Darla Sauler plus special guest si Kakai Bautista. Siyempre ay present sa event ang Beautederm CEO and owner na si Ms. Rhea Anicoche Tan.

Ipinahayag ni Ms. Korina ang obserbasyon at nalaman niya kung gaano kagaling at kaepektibo ang BeauteDerm. “Unang-una, gusto kong magpasalamat sa buong pamilya ng Beautederm at sa lahat ng mga taong pumunta ngayon dito. Siyempre sa buong Beautederm family sa pangunguna ni Queen Rei Tan. Lahat po sila ay naririyan na. Ang pogi-pogi pala ni Jestoni Alarcon. Hindi ko maintindihan kung sino ang pinakapogi kung si Jestoni o si Tonton Gutierrez, ang kinis. Bakit ganoon nahihiya akong tumabi.

“Puwede rin pala sa lalaki ang Beautederm. May Gabby Concepcion pa. Ako hahabol pa lang po ako ha (sa pakinisan). Bagong salta pa lang ako sa Beautederm. Pero kung gusto ninyo pong humabol sa gandang artista, lahat po iyan ay mabibili ngayon sa Gateway, ang pang-93rd store ng Beautederm, ang Beaute Forever. Kaya kami po ay nagpapasalamat at naghihikayat because Beautederm is the best!”

Ipinagmalaki din Mrs. Mar Roxas ang iba pang produkto ng Beautederm na puwede rin sa kanyang babies na sina Pepe at Pilar.

“Dahil ang Beautederm ay mayroong mga product for babies, kaya roon na tayo. Sa Beautederm kompleto, kung ayaw mong ma-dengue, uso ang dengue ngayon, pero ang Beautederm mayroon silang spray para hindi ka kagatin ng lamok, may lotion. Pagkatapos mayroon pang for every age, pagkapanganak hanggang bago ka maospital, at kapag nagre-recover ka na from hospital mayroon din niyon. Ako, nagkasakit ako e, uso po ngayon ang sakit, marami ngayon ang nagkakasakit. Ang ginagawa ko lang nag-i-spray-spray ako ng Visage, parang fresh ka na rin,” sambit ng host ng top rating na Rated K.

Sa panig naman ng lady boss ng Beautederm, labis ang pasasalamat niya kay Ms. Korina at umaasa si Ms. Rei (tawag kay Ms. Rhea) na mas lalo pang titibay ang kanilang samahan ng idolong media practioner sa hinaharap.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *