Friday , May 24 2024
Ramon Ramos Baby Go PC Goodheart Foundation
Ramon Ramos Baby Go PC Goodheart Foundation

Doc Ramon Arnold Ramos, dedicated sa kanyang propesyon

KAKAIBA ang dedikasyon ni Doc Ramon Arnold Ramos sa kanyang propesyon bilang manggagamot. Ang pagpapahalaga niya sa ikabubuti ng mga pasyente ay walang katulad, in fact, nagka-ulcer siya noon dahil pati pagkain niya ay napabayaan sa pangangalaga sa kanyang mga pasyente. Aminado rin si Doc Ramon na estrikto bilang doctor sa kanyang mga nurse.

“Sa UP Diliman ako nag-pre-med ng Micro­biology. Nag-College of Medicine ako sa Dela Salle University, then ‘yung residency, nag-Occu­pational Medi­cine ako sa New Zea­land. So, pag­balik dito kinu­ha ako ng mga company at the same time ay pinatakbo ko iyong eskuwelahan na pag-aari ng aming pamilya, ‘yung Imus Institute of Science and Technology sa Cavite, 1954 pa iyan, kami ang unang eskuwelahan sa Cavite.

“Ang mga course roon ay kompleto, mayroon kaming Education, Accounting, HRM, Tourism, High School, at marami pa. Iyong mga courses na related sa TESDA ay mayroon na rin kami,” kuwento ni Doc Ramon.

Mayroon din siyang clinics sa Alabang, Cavite, at Manila, ang La Sallette Diagnostic Center na siya ang Medical Director. Bukod dito, si Doc Ramon ay Medical Consultant ng Denso Ten Philippines ng Kyoto, Japan. Bukod sa charitable works, madalas makibahagi o gumawa ng medical missions si Doc Ramon.

Makulay ang buhay niya, payag ba siyang ma-MMK ang kanyang life story? ”Ay oo, sinabihan nga ako ni Cardinal Tagle na ipasok daw sa MMK dahil alam ni Cardinal kung paano ako pinalaki. Maraming mapupulot na aral, pagsusumikap, kumayod kahit ganito ang buhay ninyo, huwag magmalaki, be down to earth. Maraming episode sa buhay ko ang madrama talaga

“Alam mo ba, valedictorian ako ng elemen­tary, high school, scholar ako ng UP, lahat ng graduations ko ay hindi uma-attend ang tatay ko? Sagabal daw, mas maigi pa ‘yung pasyente niya, mas mahalaga raw ang pasyente niya. At nalaman kong totoo iyon nang naging doctor na ako,” saad ni Doc Ramon na tumanggap ng parangal kamakailan sa Philippine Elite Awards 2019, kasama si Ms. Baby Go.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *