Saturday , July 27 2024
Mikee Quintos
Mikee Quintos

Mikee Quintos, chill lang sa intrigang siya ay lenggua!

Nakatutuwang mga baguhang artista ang love interest ni Alden Richards sa bagong soap operang The Gift at ito’y sina Faith (Thia Thomalla) at Amor (Mikee Quintos).

Sa side ni Mikee, super excited siya sa press con ng bagong Kapuso prime­time series.

Binibiro siya ng working press na parang siya na raw ang magiging love interest ni Alden sa nasabing soap.

Anyhow, we’re pretty sure that bashing would come her way now that she appears to be the new lead actress in The Gift.

“Parte naman ‘yun ng trabaho, so, OK lang po,” Mikee nonchallantly. “Siyempre, may nights pa rin na maa-affect ka. Pero I have a really great support system — my family.

“Nagka-experience na ako ng nights na ganoon, ‘yung fans na pag nakikita ako in person, na sobrang saya, lalo na ‘yung mga lola. Mga weakness ko ‘yun.

On the other side of things, inintriga ng press si Mike tungkol sa matagal napababalitang isyu na supposedly ay isa siyang lenggua.

Hindi naman daw siya naaapek­tohan dahil nakasisiguro siya sa kanyang sarili.

More than anything else, she gets affected raw kung acting niya ang nilalait.

As a matter of fact, she’s dating someone special at the moment.

Mas gusto raw niyang tago o private ‘yung relationship.

“Somehow, mas totoo ‘yung feeling. Hindi ko kailangan ang validation ng ibang tao para magpakita na masaya kami.

“I don’t see the importance on that na nakita sa social media na ganito kami.

“If I keep it intimate, mas real siya for me, kasi outside showbiz, ito ‘yung totoo sa akin,” pagtatapos ni Mikee.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *