Thursday , June 25 2026

Labo-labo ng Daniel Padilla at Alden Richards fans, pinakaaabangan!

ISA sa pinag-uusapan sa Twitter world lately ang #BacktoKathNiel hashtag ni Kathryn Bernardo.

Simply stated, ngayong kumita na ang KathDen tandem, mereseng namamayagpag pa sa ibang bansa ang pelikulang Hello, Love, Goodbye, it’s more than about time that Kathryn should go back to her original sweetheart Daniel Padilla.

May selos factor na kasi ang KathNiel dahil na rin sa closeness, na purely platonic lang naman, ng lead stars ng Hello, Love, Goodbye.

Ang ending, freakout na ang mga fansitas na karamihan ay maka-Daniel.

As of presstime, pinasinungalingan nila ang kumakalat na bali-balitang Alden is purportedly invited at the ABS-CBN Ball that will be held at the Shangri-La at The Fort in Taguig City on September 14.

Sabi ng war freak na KathNiel, wala raw ‘Joy’ at ‘Ethan’ na pupunta sa nasabing okasyon kundi sina Kathryn at Daniel.

When the GMA Artist Center was asked if Alden would be attending the Kapamilya Ball, wala raw silang natatanggap na invitation at wala rin daw ‘yon sa sched ng Kapuso actor.

Anyway, masyadong pinepersonal ng ilang miyembro ng KathNiel ang panlalait kay Alden to the point that they are coming out with some highly derogatory things about the Kapuso actor questioning his machismo.

Gumanti rin ang ilang fans ni Alden.

May pasabog rin ang ilang fans na may video raw na nakunan na nagpapasalamat si Kathryn sa ASAP kay Alden, at tiyempong nakunan raw na nag-make faces si Daniel.

Dahil dito, nakini-kinita na ang away ng dalawang grupo ng fans.

Anyhow, now that Hello, Love, Goodbye’s promo is finished, naka-focus na si Alden sa The Gift na magsisimula na sa September 16, Lunes.

Whatever, could it be true that the Valentine’s movie of Kathryn and Daniel that will be shot on location in Iceland is already next in line?

Let’s wait and see!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …