Tuesday , June 9 2026

Kyle Lucasan, wish makatrabaho sina Kyline Alcantara at Ruru Madrid

HINDI malilimutan ni Kyle Lucasan ang naging kara­nasan niya sa StarStruck ng Kapuso Network. Kahit na nabigo si Kyle sa pangalawang pagka­kataon na ibinigay sa kanya rito, nagpapasalamat pa rin siya sa chance na ipinagkaloob sa kanya ng Artista Search ng GMA-7.

“Noong binigyan kami ng second chance, actually po, parang ano e — I mean makapasok or hindi, okay lang. Pero siyempre nandoon pa rin na parang mas masakit, dahil dalawang beses po, e. Pero thankful pa rin po kami na they still tried us. Kasi, not everyone will get a second chance, e,” sambit ni Kyle nang makahuntahan namin sa birthday bash ni katotong Leo Bukas.

Si Kyle ay kilala rin bilang Quinn Carillo ng grupong Belladonnas.

Mas tumapang ba siya dahil sa experience niya sa Starstruck? “Definitely po, kasi I faced rejection twice. So nandoon po ‘yung eagerness pa rin na kailangan next time, mas maging successful.”

Ano’ng reaksiyon niya na sa social media ay maraming nanghihinayang na sana ay nakapasok siya sa Final 14?

“Siyempre po sobrang flatter, kasi I didn’t know na ganoon pala karami na ‘yung sumu­suporta sa akin. Kasi parang I don’t know… noong nakita ko na ang daming nagko-comment… sobrang na-flatter po ako. Wow! Maraming-maraming salamat po talaga sa pagsuporta.”

Sino ang gusto niyang makatrabaho sa mga young actors and actresses sa GMA-7? “Actually po si Miss Kyline (Alcantara), kasi magaling po si Miss Kyline, e. Sa lalaki, crush ko talaga ‘yung kuya ni Rere, hahaha! Si Ruru po,” nakangiting tugon pa niya.

Si Kyle ang itinuturing na pambato ng mga morena beauty dahil magaling  siyang sumayaw, kumanta, umarte, at edukada. Pasok din si Kyle na maging younger version or bagong Rochelle Pangilinan ng GMA-7 dahil nahulma ng 3:16 Events & Talent Management ni Ms. Len Carillo ang kanyang talento.

Nakita namin kung gaano kadeterminado at pursigido si Kyle, kaya sure kami na ang anomang nangyari sa Starstruck ay simula pa lang ng kanyang mahabang showbiz journey para makamit ang inaasam niyang panagarap.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …

Apphle Celso Christy Imperial

Marian at Dakota Johnson inspirasyon ni Apphle para mahalin ang sarili

MATABILni John Fontanilla IDOLO ng VMX actress na si Apphle Celso sina Marian Rivera at Hollywood actress Dakota Johnson. Ayon kay Apphle …

Jillian Ward

Jillian mas gustong pribado ang buhay pag-ibig 

MATABILni John Fontanilla MAS gustong maging pribado ang lovelife ng  Kapuso Drama Princess na si Jillian Ward. …

Xia Vigor Miracle in Cell No 7

Xia Vigor, wish makagawa ng MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang talented na young actress na si Xia Vigor na marami …