Friday , April 19 2024

Future President Mayor Isko

ISINANTABI ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang anomang balakin sa pagtakbong pangulo ng bansa pagkatapos ng kanyang termino.

Sa halip, anang alkalde, ay ilalaan niya ang kanyang panahon sa pagsisilbi sa mga mamamayan ng May­nila.

Buong pagpa­pa­kum­­baba rin sinabi ng alkalde na hindi siya maikokompara kay dating Mayor Arsenio Lacson, aniya:

“Incomparable ‘yan, wala ako sa kalingkinan no’n. Nakahihiya kay Mayor Arsenio Lacson kung nabubuhay siya. Wala ako sa kalingkinan no’n.”

Hindi mapipigil ni Mayor Isko ang publiko na hangaan sa ipinamamalas na kakayahang maipatupad ang rule of law o kawastohan ng batas sa lungsod, at maikompara siya sa ibang magigiting na lider.

Wala man plano sa ngayon ang alkalde ay dapat pa rin siyang magpasalamat dahil pinahahalagahan ng publiko ang kanyang mga ginagawa sa Maynila.

Ang iba nga ay sukdulang ipagduldulan ang sarili para magmukhang presidentiable pero bagsak naman sa hinahanap na pamantayan ng publiko.

Naniniwala pa rin tayo kay yumaong dating Pang. Ferdinand E. Marcos na nagsabing, ang maging pangulo ng bansa ay destiny o nakatadhana.

Kaya’t sa ayaw at sa gusto ay tiyak na hindi makaiiwas ang sinoman sa hamon pagdating ng tamang oras.

 

MGA BANGKETA SINAKOP

SA BGY. 13 SA MAYNILA DE ROBLES (Manila): “Sana po pakiparating kay Mayor Isko Moreno ang mensahe ko at hinaing ng mga taga-Asuncion at Zaragosa. Wala na po madaanan ang mga tao sa bangketa, halos lahat po ng may bahay sa harapan ng kalsada na may bangketa ay hindi na po madaanan, kasi po sinakop na po ng may-ari ng bahay ‘yung bangketa. Kaya ‘yung mga nagta-trabaho at mga estudyante sa kalsada na po nagdadaan, madalas nasasagi po ng sasakyan ‘yung mga nagdadaan dahil sa walang aksiyon ‘yung kapitan ng barangay. Meron din po sinabi sa akin ‘yung dating pinaglalagyan ng fire hydrant ay pinaalis din po ng may-ari ng ng bahay pero sakop pa rin po ng kalsada at nakalabas pa po ng bangketa. Katwiran po ng kapitan, nabili daw po ng may-ari ng bahay ‘yung bangketa kaya ginawa pong garahe. Tanong ko lang po, nabibili na po ba ang pag-aari ng gobyerno, tulad po ng bangketa at kalsada? Sana po ay matugunan n’yo ang hinaing ng mga taga-roon, du’n po ‘yun sa tapat ng 7/11 Asuncion-Zaragosa. Buong hilera po ay wala nang bangketa. Sana po ay makarating kay Mayor Isko Moreno. Magpa­pasalamat po kami ng marami sa inyo kung sakali dahill walang aksiyon ang kapitan ng Bgy. 13. May bookies, siya rin ang may palagay ng pasugalan na ‘yan at nagsusugal din po siya diyan ng karera ng kabayo (OTB).”

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *