Friday , April 19 2024
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Sarah, ‘di man pabor, sinuportahan pa rin si Matteo

Samantalaaminado siyang bago pumasok sa kampo ay hindi pabor ang  girlfriend na si Sarah Geronimo sa naging desisyon niya, pati na rin ang pamilya niya.

“Sila lahat ayaw dahil baka masaktan daw ako, mga ganyan. Sa umpisa ayaw pa rin nila. Sabi nila, ‘You’re in the middle of your career. You’re 29 years old. You’re in show business. Why would you leave everything behind?’ 

“But I felt like this is an opportunity of a lifetime. A skill set, lessons learned that nobody can take away. So I had to do it. Okay naman. Masaya naman sila na successful lahat.

At nang bumisita nga si Sarah at ang pamilya niya sa kampo ay napakasaya niya dahil talagang na-miss niya ang mga ito. Buti nga hindi siya nakita ng mga ito noong mga unang araw niya sa training camp.

“Buti dumalaw sila after a week so medyo emotionally stable na ako. Noong dumalaw sila ipinasyal ko sila sa ranger camp at na-shock sila kasi iba eh, siyempre military ‘yung buhay nila roon so I’m blessed to be given the opportunity. So na-accomplish ko naman,” kuwento pa ng limang taon nang kaakibat ng Sunlife.

Ipinagpasalamat din ni Matteo ang pagiging supportive-GF ni Sarah. At kahit alam niyang nag-aalala ito sa kalagayan niya sa training ay matapang pa rin nitong sinusuportahan ang kanyang mga pangarap.

”Sabi ko, ‘Love, naawa ka ba sa akin?’ Sabi niya, ‘Eh gusto mo ‘yan eh. Bahala ka na.’ Ha-hahaha!” sambit pa ni Matteo.

Hindi rin malilimutan ng binata ang graduation nila kamakailan dahil naroon si Sarah at ang pamilya niya,”It was very emotional. Masaya, hindi ko talaga ‘yun makalilimutan sa buong buhay ko.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *