Thursday , June 25 2026
Ang mga Kaakbay ng Sunlife — Iñigo Pascual, Enchong Dee, Charo Santos, Piolo Pascual at Matteo Guidicelli

Matteo, itinuring na best experience in life ang training sa militar

MATAGAL na pala talagang pangarap ni Matteo Guidicelli ang mag-undergo ng training bilang Scout Ranger.

Anang binata pagkatapos ng paglulunsad ng Sunlife Kaakbay sa Buhay na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza noong Sabado, ”Twenty nine years old na ako at dati ko pa gustong gawin. I found the opportunity. Scout Rangers open the doors, they give me the opportunity, that’s why I said, I want to join right away.”

Itinuturing namang ‘best experience of his life’ ni Matteo ang ginawang training. ”Sa umpisa sobrang hirap. Maraming beses, specially the first week gusto ko mag-give-up,” anang binata na ang tinutukoy niyang training ay ang elite force of Philippine Military na pinakamahirap na training na ginagawa.

“Mahirap talaga siya, not only physically but also Psychologically. Itong psychologically ang nagpasira sa akin dahil from civilian life dumiretso ako sa military the next day. So medyo na-war schock ako na tinatawag ba. But sobrang supportive ang military. May mga councelling, life coaches na kinakausap ako.

“Kina-councel ako so naging okey naman ako,” pagbabahagi pa ni Matteo.

At nang tanungin kung ano ba ang natutuhan niya sa training, sagot ng actor, ”’Yung pinaka-learning ko roon ay ma-enjoy ang pinaka-basic sa buhay. Kahit nasa bundok ka ng apat na araw o isang lingo. ‘Yung isang lingo, isang hangin lang parang heaven na, parang nasa five star hotel ka.

“Second ‘yung respeto ko sa mga sundalo natin. Lalong tumaas ang respeto ko sa kanila. Hindi ko mai-describe. ‘Yung sakripisyo nila para sa bayan, para sa pamilya nila, to protect us.”

Nakatulong din ang nasabing training para lalo siyang maging humble at i-appreciate ang buhay. ”Natutulog kami sa lupa, sa sahig, ‘yung liguan naming nasa river, lumulublob kami sa kanila, mga ganyan. Talagang nag-humble sa akin at it gave me to appreciate life.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …