Wednesday , July 6 2022
shabu drug arrest

‘Senate liaison officer’ 10 pa, timbog sa droga

SAPOL sa isinagawang buy bust operation ang isang nagpakilalang liaison officer ng Senado kabilang ang 10 kataong naaresto na sangkot sa paggamit ng ilegal na droga  sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa  ulat na nakarating kay Valenzuela Police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 11:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr. sa Ilang-Ilang St., Brgy. Karuhatan sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagka­kaaresto kay Eusebio Munar, 48 anyos, sina­bing liaison ng Senate Transport Cooperative, Robert Pamilar, 19 anyos, at Richard Eliano, 21 anyos, kilalang  pusher sa lugar.

Narekober sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, P200 buy bust money at isa pang P200 bill.

Dakong 10:30 pm nang madakip din ng mga operatiba sa buy bust operation sa kahabaan ng Alley C., Molina St., Brgy. Veinte Reales sina Jessie Sumaria, 31 anyos, Romar Mercene, 29, Reymark Mauricio, 19, Julito Cometa, 18, at isang 17-anyos binatilyo.

Nakompiska ng mga operatiba ang isang coin purse na naglalaman ng limang sachets ng shabu, tatlong sachet ng marijuana at P200 buy bust money.

Timbog din ng mga operatiba ng SDEU sina John Paul Solomon, 24, Junel Suicon, 23, at Zyron Manabat, 29, sa buy bust operation sa Road 4, Diam St.,  Brgy. Gen T. De Leon, dakong 3:00 am.

Narekober sa mga suspek ang isang coin purse na naglalaman ng pitong sachet ng shabu at P300 cash na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous  Drugs Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply