Saturday , July 2 2022
MATAPANG na lumantad ang isang casual employee na nagpakilalang si Lady Violet ng pamahalaang lalawigan ng Cavite upang iparating sa Commission on Elections (Comelec) ang umano’y nagaganap na malawakang bilihan ng mga boto ng kumakandidatong gobernador na si Jonvic Remulla sa kanilang probinsiya para sa darating na halalan sa 13 Mayo, at ginagamit ang proyektong “Lingap Kalikasan” sa pamimigay ng pera sa dumadalong constituents.

Kawani ng kapitolyo, idiniin si Jonvic sa vote-buying sa Cavite

ISANG kasalukuyang empleyado ng Kapitolyo ng lalawigan ng Cavite ang lumutang upang sabihin na magmula Oktubre 2018 ay sinimulan na ng kampo ng tumatakbong gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla ang vote-buying gamit ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng isang programang tinatawag na “Lingap sa Kalikasan.” 

Sa isang press con­ference, sinabi ng ‘whistle­blower’ na siya mismo ay may personal na alam at karanasan sa pag-oorga­nisa ng mga “Lingap sa Kalikasan” na nakaikot na halos sa lahat ng bayan sa lungsod ng Cavite.

Aniya, pinakamahina na ang P1.2 milyong ang naipapamigay nila sa loob nang isang araw pa lamang.

Idinetalye rin ng whistleblower ang paraan ng pamimigay ng salapi sa mga dumadalo sa ba­wat “Lingap sa Kalika­san.”

Makaraang magka­roon ng programa at makapagsalita ang mga politikong kasama ni Remulla, pinapapila ang lahat upang tumanggap ng brown envelope na may lamang P500 na inihanda mismo ng Treasurer’s Office.

“Matapos ang mga talumpati, namimigay na kami ng brown na sobre na naglalaman ng P500 sa lahat ng nanood ng palabas.”

Aniya, hindi bababa sa 2,000 libong tao ang naaanyayahan sa nasa­bing proyekto.

Kombinsido ang whistleblower na ang “Lingap sa Kalikasan” ay proyektong ginagamit ng mga Remulla upang makaikot sa Cavite at makapamudmod ng pera sa mga botante.

Dagdag niya, ang proyektong tulad nito, ipinapatupad lamang kapag malapit na ang eleksiyon.

“Nagsimula ang “Lingap” noong Oktubre 2018 at itinigil noong 28 Marso 2019, isang araw bago mag-umpisa ang campaign period. Pero simula Disyembre 2018, araw-araw na ang pami­mi­gay namin ng pera sa mga tao.”

Sa nasabing press conference, inilantad ng whistleblower ang proseso ng “Lingap sa Kalikasan,” na siyang itinaguyod ng mga Remulla, upang magsilbi umanong clean-up drive project ng lalawigan ng Cavite.

“Kadalasan, lalo na kapag palapit na ang eleksiyon, nagtatakda ng araw na pumupunta ang aming grupo sa iba’t ibang bayan sa Cavite na isang entablado ang naka-set up at may mga nagpe-perform sa stage para aliwin ang mga tao. Ipina­pakilala din si Jonvic Remullar bilang susunod na gobernador ng Cavi­te,” anang whistle­blower.

Binanggit ng whistle­blower na bagama’t siya ay natatakot para sa kanyang pamilya mata­pos ang pagsisiwalat, hindi na niya kayang manahimik matapos marinig ang sunod-sunod na pagsisinungaling ng mga Remulla sa mga alegasyong ibinabato sa kanila.

“Hindi ko rin po kayang hayaan na mag­bulag-bulagan sa mga pandaraya sa halalan na ginagawa ng mga Remul­la partikular ang pamimili ng boto ng mga naghihi­rap na kababayan sa Cavite.”

Si Jonvic Remulla ay kasalukuyang nahaharap sa ilang reklamo ng vote buying sa Cavite.

Kamakailan, nahuli ng mga miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ang 10 empleyado ng Provincial Government of Cavite na umano’y supporter ng mga Remulla na pami­migay ng sobreng naglala­man ng P200 sa mga botante sa Zapote 5, Bacoor.

Ang vote-buying ay isang election offense at ang sinomang kandi­datong mapapatunayang lumabag ay magreresulta sa kanilang diskali­pika­syon sa halalan at pag­kakakulong.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply