Friday , July 26 2024

ACT-CIS party-list ng Tulfo Bros una sa SWS survey 

NANGUNGUNA na ang ACT-CIS party-list ng Tulfo brothers ayon sa pinaka-latest survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey na isinagawa noong 28 Abril hanggang 3 Mayo ng SWS, number one na ang ACT-CIS party-list sa 134 iba pang party-list.

Ayon sa Final Pre-election survey ng naturang survey group, pinili ng mas maraming respondents ang ACT-CIS kaysa ibang party-list.

Ang ACT-CIS ay nakakuha ng 8.20 percent voter preference sa 2,400 katao na ini-survey sa nasabing panahon.

Dahil sa pag-akyat ng ACT-CIS sa number one, laglag sa number two spot and dating nangunguna na Bayan Muna na nakakuha ng 5.83 points

Pumangatlo ang Ako Bicol na may 5.47 points, pang-apat ang Senior Citizens na nakakuha ng 3.60 puntos.

Narito ang resulta ng iba pang party-list na nakakuha rin ng mataas na ratings, CIBAC 3.08 points; Magsasaka 2.98 points; Ang Probinsyano 2.98 points; TUCP 2.97; 1PACMAN 2.78; Gabriela 2.55 at Probinsiyano Ako 2.34 points.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *