Saturday , July 2 2022
KASAMA ang bida ng “Ang Probinsyano” na si Coco Martin, kumakaway si Grace Poe sa  mga residente sa rally sa  Bayambang, Pangasinan. Kasama rin niya ang inang si Susan Roces at anak na si Brian Poe Llamanazares

Lahat ng senior citizen magkakapensiyon — Grace Poe

KAPAG muling mahalal sa Senado, isusulong ni Sena­dor Grace Poe ang panu­kalang batas upang mabig­yan ng pensiyon ang lahat ng mahihirap na naka­tatanda o senior ci­tizens sa bansa.

Ipinangako ito ni Poe sa mga residente ng Bayam­bang, Pangasinan nang mangampanya kama­kalawa, 7 Mayo, kasama ang aktor na si Coco Mar­tin ng  ‘Ang Probin­syano.’

“Ngayon, sa mga senior citizen naman, ipinapaalala sa akin ni Lola Flora, ‘Grace, ‘wag mong kalilimutan ang mga senior ha?’ Kaya kung manalo akong muli bilang senador, ipapanukala ko na lahat ng seniors na mahihirap, dapat mayroon nang pensiyon,” ani Poe.

Ipinagmalaki rin ng sena­dor ang mga batas na kan­yang iniakda na ma­papa­kinabangan na ngayon, tu­lad ng libreng bayarin sa do­kumento ng mga first-time job seeker at ang libreng pananghalian sa mga mag-aaral.

“Nakita naman ninyo, ang magagandang balita na sinabi ko sa inyo, na sa da­rating na pasukan, lahat ng mga batang walang pagkain, kulang ang timbang at kulang ang nutrisyon, libre na ang pananghalian sa lahat ng public schools,” diin ni Poe.

Nakiusap si Poe sa mga Pangasinense na suportahan ang kanyang kandidatura, lalo pa’t wala siyang kinaaanibang par­tido o makinaryang gaga­law sa darating na hala­lan.

“Ngayon, sa aking mga kababayan, hihilingan ko kayo ng tulong kasi alam po ninyo, independent po ako, wala akong partido,” dagdag ni Poe. “Maraming salamat na lang kay Mayor (Cesar Quiambao) na kan­ya akong tinanggap dito; kasi naman, kababayan ninyo ako.”

 

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply