Monday , July 4 2022

Barangay funds mula sa Real Property Tax (RPT) ‘di na kailangan dumaan sa Konseho

TINIYAK ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo Lim na bibigyan niya nang lubos na kalayaan o ‘full autonomy’ ang mga barangay chairman sa lungsod sa oras na siya ay maging mayor na ulit ng lungsod.

Ayon kay Lim, kandidato para mayor ng ruling party PDP-Laban na pinamumunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipatutupad niya ang isang uri ng sistema na lahat ng barangay chairman ay agad makakukuha ng kanilang budget nang hindi na kaillangan ang pagsang-ayon ng City Council.

“Noong ako ang mayor, automatic and pagre-release ng mga pondo ng barangay at kahit kailan ay hindi ko pinakialaman ang pondo at trabaho ng mga barangay.  Di na rin kailangan pa ang pirma ko para lang lumabas ang pondo. Ibabalik ko ang sistemang ‘yan,’ ani Lim.

Binigyang-diin ni Lim na walang dahilan upang ibinbin o i-delay ang paglalabas ng barangay funds o makiusap at magmakaawa ang isang barangay chairman para lamang makuha ang pondo na talaga namang para sa kanila.

Sa ilalim ng local government code, ang mga barangay ay may karapatang bahagi (share) mula sa koleksiyon ng real property tax (RPT) at internal revenue ng lungsod na nakasasakop sa kanyang barangay.

Sinabi ni Lim, bilang halal ng taong bayan, ang mga barangay chairman at mga kagawad ay karapat-dapat sa pinakamataas na respeto bilang kapareho o co-equal dahil nakuha nila ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng mandato ng taumbayan.

Hindi lang umano pagdating sa pondo at kung paano ito gagamitin magkakaroon ng tunay at buong kalayaan ang mga chairman dahil malaya umano ang mga chairman na bumuo ng sariling mga proyekto at pamahalaan ito, dahil sila ang mas nakaaalam kung ano ang pangangailangan sa kanilang nasasakupan.

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply