Thursday , July 7 2022

14 magsasaka patay sa ops ng PNP, Army

PATAY ang 14 mag­sa­sakang pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng komunista sa dalawang bayan at isang lungsod sa Negros Oriental nitong Sabado, Marso 30 sa operasyon na inilunsad ng pinagsanib-puwersang operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army kontra illegal firearms.

Sugatan ang isang pulis habang nadakip ang 15 subject ng search war­rant na dala ng mga operatiba ng pulisya at military.

Samantala, inaku­sahan ng human rights groups ang mga pulis at mga sundalo na target ng kanilang operasyon ang mga lider at mga miyem­bro ng mga militanteng organisasyon.

Ang isa umano sa mga napatay ay napag-alamang lider ng isang militanteng grupo ng mga magsasaka sa lungsod ng Canlaon.

Sa ulat ni Col. Raul Tacaca, direktor ng Ne­gros Oriental Police Pro­vincial Office, walo ang napatay sa lungsod ng Canlaon City, dalawa sa bayan ng Santa Catalina, at apat sa bayan ng Manjuyod na tumututol masiyasat.

Aniya, ang mga napa­tay na suspek ay nanla­ban kontra sa mga ope­ratiba mula sa PNP Regional Public Safety Battalion, sa Special Action Force, sa iba’t ibang estasyon ng pulis, at sa Philippine Army.

Dagdag ni Tacaca, suspek ang mga napatay sa mga pag-atake at pag­paslang sa mga pulis at mga sundalo sa rehiyon.

Bahagi ang operasyon sa patuloy na kampanya ng PNP sa Central Visa­yas kontra loose firearms.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napaslang bago ma­ila­bas sa publiko ang kanilang mga pangalan.

Isang pulis ang naba­ril sa puwitan at dinala sa Silliman University Medical Center sa lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental.

Samantala, sinabi ni Clarissa Singson, secre­tary general ng Kara­patan-Negros, kabilang sa mga napaslang si Edgardo Avelino, 59 anyos at chairperson ng Hugpong Kusog Mag-uuma sa Canlaon, isang grupo ng mga magsa­saka.

Kasama rin sa mga napatay si Ismael Avelino, 53 anyos, kapatid ng sinasabing lider ng grupo.

Ani Singson, sinala­kay ng mga hindi kilalang nakasibilyang kalalakihan ang mga bahay ng mag­ka­patid sa Barangay Panu­bigan at pinag­baba­ril ang dalawa.

Dagdag niya, tina­target ng pulisya at military ang mga lider at mga miyembro ng mga grupo ng magsasaka na hindi naman armado.

Ang iba pang mga napaslang ay kinilalang sina Melchor Panares, 67; Mario Panares, 46; Rogelio Ricomuno, 52; Ricky Ricomuno, 28; Gonzalo Rosales, 47; at Genes Palmares, 54; Franken Lariosa, at Ano Enojo Rapada.

Mariing kinokondena ng Karapatan ang pag­pas­lang at humiling ng sariling imbestigasyon hingil sa insidente.

“This is uncon­scio­nable,” sinabi ni Karapa­tan Secretary General Cristina Palabay sa isang pahayag.

“As we condole with the families of all those killed, we join our voices in the call for justice and accountability for these heinous crimes per­pe­trated by the govern­ment,” dagdag ni Pala­bay.

About hataw tabloid

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply