Monday , July 4 2022

Coco Martin sumama sa ‘patrolya’ ng Ang Probinsayno Party-List, AP-PL bagyo sa Cebu

Parang bagyo ang pagdating ng Ang Probinsyano Party-List sa Cebu nang lumapag sa naturang vote-rich province bitbit ang back-up na mutli-awarded action star at director na si Coco Martin.

Iniidolo bilang si ‘Kardo’ sa TV show na “Ang Probinsyano,” su­ma­ma si Coco sa pag­ronda ng AP-PL sa mga lokalidad ng Dumanjug, Santander, Tuburan, Da­nao at Mandaue upang kumustahin ang kala­gayan ng mga Cebuano na naghihintay sa kanila.

Kailan lang ay ibi­nunyag ni Coco ang kan­yang suporta sa AP-PL dahil sa tulong na mai­bibigay nito sa pag-unlad ng mga taga-probinsya.

Dahil sa paniwalang uunlad ang mga Filipino kung may oportunidad, suportado ni Coco ang legislative agenda ng AP-PL — enhanced peoples’ access to government health services at quality education.

Libo-libong mga Cebuano fans at sup­porters ang nagbilad sa araw para lang maka­sama ang kanilang idol na bitbit ng AP-PL.

Nagsimula ang pa­trolya sa Dumanjug sa southwestern Cebu na sinalubong si Coco at ang AP-PL ni Cebu Gover­nor Hilario Davide III, Vice Governor Agnes Magpale, 7th District Representative Peter Cal­deron at ni Dumanjug Mayor Efren Gica.

Pinangunahan ni Coco ang tatlong-oras na motor­cade mula Duman­jug patungo sa dulo ng Cebu, ang bayan ng Santander. Sa Santander naman ay mainit silang sinalubong ng grupo ni Mayor Marilyn Wences­lao.

Pagdating ng tanghali ay nasa norte na ng Cebu sa bayan ng Tuburan ang grupo ni Coco at AP-PL na sinalubong naman ng isang dambuhalang gru­po sa pangunguna ni Tuburan Mayor Aljun Diamante.

Isang rally ang isana­gawa na kinabilangan nang mahigit 30,000 Cebua­no mula sa mga bayan ng Barili, Alo­guinsan, Pinamugahan, Balamban, Asturias, Tabue­lan at siyudad ng Toledo bilang pagsuporta kay Coco at AP-PL.

Masayang nagmer­yenda ang mga taga-Danao nang sila ay kantahan ni Coco.

Sa Danao ay mainit rin ang pagsalubong sa grupo ni Coco at AP-PL sa pangunguna nina Danao 5th District Repre­sentative Red Durano at Danao Mayor Nito Dura­no.

Isa pang motorcade ang isinagawa mula Danao hanggang Man­daue na nagbigay si Coco ng saya sa mga Cebuano habang nagpapaliwanag ang AP-PL ng kanilang platorma para sa mga taga-probinsya.

Sinabi ni Coco, siya ay nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa grupo ng Ang Probinsyano Party-List na kanyang sinuportahan dahil sa adhikain nitong maiangat ang buhay ng mga probinsyano.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Airport Special Economic Zone

Bulacan Airport Special Economic Zone ibinasura ni Marcos, Jr.

IPINAWALANG BISA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill No. 7575 na naglalayong gawing …

Malacañan

Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens

DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating …

Nasamsam ng PDEA P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L

Nasamsam ng PDEA
P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L 

UMAABOT sa 260 kilo ng hinihinalang shabu, nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang …

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz- Angeles. “Had the President not vetoed the HB 7575, it would have lapsed into law on July 4 or 30 days after the bill was sent by the legislature to Malacañang,” dagdag niya. Giit ng kalihim, kapos ang panukalang batas ng mga sangkap upang iugnay sa ibang batas, patakaran at regulasyon dahil hindi nakasaad dito na sakop ito ng audit provisions ng Commission on Audit (COA), “procedures for the expropriation of lands awarded to agrarian reform beneficiaries and a master plan for the specific metes and bounds of the economic zone.” Binigyan diin ni Angeles, lahat ng transaksiyon sa pananalapi ng gobyerno ay isinasailalim sa audit procedures ng COA at hindi dapat absuwelto sa naturang proseso ang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport. “Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” ani Angeles. Inilinaw ni Angeles, tuloy ang konstruksiyon ng P740-billion international airport sa Bulacan dahil ang “San Miguel franchise to operate the airport” ay aprobado ng Senado at Kamara noong 11 Oktubre 2020. “The construction of the Bulacan international airport and aero city is not affected by the veto. The presidential veto was meant to include the necessary corrections and include the missing processes that might render HB 7575 entirely unconstitutional,” paliwanag niya.

Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City …

ombudsman

Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City …

Leave a Reply