Thursday , July 7 2022

Gerald Santos, dagdag na endorser ng iSkin Aesthetic Lifestyle

FRESH sa kanyang successful stint sa Miss Saigon, ang singer/actor na si Gerald Santos ang pinakabagong endorser ng iSkin aesthetic lifestyle. Last Tuesday ay pumirma siya ng kontrata rito, kasama ang manager niyang si Doc Rommel Ramilo at ang president at CEO ng iSkin na si Ms. Kate Pagkalinawan.

Ipinahayag ni Gerald ang kagalakan sa pagiging member niya ng iSkin family. “I’m really proud and I’m really happy to be part of the iSkin family. I trust them with my skin care and sa aking aesthetic lifestyle. I’m very excited to start na ‘yung aking treatments and ‘yung pag-aalaga nila sa akin here sa iSkin,”

Nabanggit din niya na nag-background check sila nang ini-offer sa kanya na maging brand ambassador ng iSkin. ”Yes, we checked,” saad niya, “And we are really glad to be part of iSkin family, because we saw na it’s really a high-end brand. And ‘yun nga, sabi ni Mam  Kate, if they got me because of my Miss Saigon stint, we trusted them because we know that we will be taken cared off. Plus, ‘yung quality of their services will be in tiptop level for us, as well.”

Ano ang kanyang nakita kay Gerald at kinuha niya bilang brand ambassador ng iSkin?  ”Kasi siyempre, siya ang lead actor sa Miss Saigon, ‘di ba? I think January pa lang na-propose na siya. We have a brand manager who proposed or give me… nire-research po lahat ng profile ng bawat ambas­sadors namin, to be sure. Because they will re­present our brand,” sambit ni Ms. Kate na idinag­dag pang makakatulong sa image nila na kilala si Gerald bilang international performer dahil sa Miss Saigon.

Samantala, narito naman ang ilang papuri na ibinigay kay Gerald sa Miss Saigon bilang si Thuy. “Gerald Santos is powerful and at times a ta terrifying a Thuy!” – Charlotte Ann, Theatres.com.  Sabi naman ni Glenn Meads ng Miss Saigon Review at the Palace Theater, “Gerald Santos as Thuy, representing the old meets the new, has genuine stage presence, and gives a performance which is far more than mere filler.

“Santos is brilliantly dominant and totally believable in this difficult role,” papuri ni Phil Lowe ng East, Midlands Theatre.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa …

Leave a Reply