Saturday , July 27 2024
MAHIGIT P1 bilyong sangkap ng shabu, may timbang na 168 kilo at isang Honda civic na kulay green ang nakompiska sa naarestong apat na Chinese nationals kabilang ang isang babae, si Chua Kian Kok, 43; Go Kei Kei 40, Emmanuel Pascual, 79, at Li Zhao Yang 19 sa pinagsanib na puwersa ng Phillipine Drug Enforcment Agency (PDEA) at Muntinlupa Police sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay sa Ayala Alabang Village, Apitong St., Muntinlupa City nitong Martes ng gabi. (ERIC JAYSON DREW)

P1.1-B shabu kompiskado sa buy bust sa Alabang (3 Tsinoy, lolo arestado)

TATLONG Chinese nationals kabilang ang isang 79-anyos lolo na hinihinalang sangkot sa operasyon ng Golden Triangle syndicate ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkasunod na buy bust operation at nakakompiska ng 168 kilo ng shabu na nagka­ka­halaga nang mahigit P1.1 bilyon sa Muntinlupa City kamakalawa.

Sa unang operasyon ng mga tauhan ni Director General Aaron Aquino, ng PDEA dakong 5:00 pm, naisagawa ang buy bust sa Deck 2 upper parking ng Alabang Town Center, Brgy. Alabang, Muntin­lupa na unang dinakip ang tatlong suspek na sina Emmanuel Pascual, 79, Wang Zhiyong, alyas Shi Rong Huang, 41, at kasamang babae na si Cai Qingxian, alyas Go Kei Kei, 44, pawang nakatira sa Binondo, Maynila.

Nakompiska sa mga suspek ang 28 packs ng transparent plastic bag na may lamang crystaline substance na hinihinalang shabu at timbang na 45 kilogram na tinatayang  P306,000,000 milyon ang halaga, 3 mobile phones, marked money at ang gamit nilang sasakyang Honda Civic (WSB-955).

Dakong 6:30 pm, naaresto ang suspek na si Li Zhaoyang, 18 binata, Chinese national sa buy bust operation ng PDEA sa Brgy. Ayala Alabang Village, Muntinlupa.

Nakompiska sa inuupahang bahay ni Zhaoyang sa No. 175 Apitong St., ang 82 packs ng transparent plastic bag na naglalaman ng crystalline substance na hinihinalang shabu at may timbang na 123 kilograms, may halagang P 836,400,000, 1 mobile phone, marked money at mga identification card.

Nabatid naging katu­wang din ng PDEA sa drug operation ang mga kagawad ng pulisya sa National Capital Region.

Habang nakapiit ang mga suspek sa PDEA-NCR office para sam­pahan ng kasong pagla­bag sa RA 9165 ng Com­prehensive Drugs Act Law.

Patuloy na nagsasa­gawa ng masusing imbes­tigasyon ang mga tauhan ng PDEA para alamin kung konektado ang apat sa mga nahuli nila sa Cavite kamakailan.

Bukod rito maging ang may-ari ng bahay na inuupahan ng mga sus­pek na ginawang imba­kan ng droga ay iimbes­tigahan din.

Makikipag-ugnayan din ang PDEA sa Bureau of Immigration (BI) para alamin kung dokumen­tado ang tatlong Chinese na nahuli mula mainland China. (MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

 

 

About Jaja Garcia

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *