Saturday , July 2 2022
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

2 PDEA agents 2 pa sugatan sa buy bust

SUGATAN ang apat katao kabilang ang dala­wang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isina­ga­wang buy bust ope­ration sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Nasa San Juan de Dios Hospital ang mga biktima na si PDEA Agent 3 Charlemaine Tang, nasa hustong gulang at PDEA Agent 2 Richard Seure, 44, upang  lapatan ng lunas sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Nadale rin ang isang kahera ng Unioil gasoline station na kinilala sa pangalang Justine mata­pos tamaan ng ligaw na bala at ginagamot ngayon sa Adventist Medical Center Manila.

Iniulat na nasugatan ang isa sa dalawang sus­pek na kinilalang isang alyas Boy, nasa isang ospital na nagawang ma­takasan ang mga awto­ridad.

Ayon sa inisyal na ulat ni Pasay City Police chief S/Supt. Bernard Yang, nagsagawa ng buy bust operation ang PDEA sa koordinasyon ng naturang pulis na nauwi sa enkuwentro sa kanto ng Buendia (Gil Puyat Ave.,) at F.B. Harrison St., malapit sa gas station sa nasabing lungsod, dakong 7:30 ng umaga.

Nahalata umano ni alyas Boy at kasama nito na pulis ang kanilang katransaksiyon dahilan upang paulanan ng bala ang mga awtoridad.

Napilitang gumanti ang mga operatiba ng putok na ikinasugat ng isang suspek habang tinamaan ng bala sina Tang at Seure habang nadale naman ang isang kawani ng gasolinahan.

Nakakuha ng pagka­kataon ang dalawang suspek na makatakas sa kamay ng mga awtori­dad. Nagsasagawa ng hot pursuit operations ang PDEA katuwang ang Pasay Police.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply