Saturday , July 27 2024

Pinoys sa NZ pinag-iingat

PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 5,000 Filipino sa New Zealand matapos ang pag-atake at pamamaril ng isang lalaking suspek sa loob ng mosque na nagresulta sa pagkamatay nang halos 50 katao.

Inatasan kahapon ni DFA Secretary Teodoro Locsin si Philippine Ambassador Jesus Gary Domingo na makipag-ugnayan sa Philippine Honorary Consulate sa Christchurch leaders at sa mga Filipino community upang malaman kung may mga Pinoy at kamag-anak na posibleng nadamay sa karumaldumal na pagpatay sa mga biktima habang nagdarasal sa loob ng dalawang mosque.

Nag-viral sa social media ang video kung paano pinagbabaril ng mataas na kalibre ng baril ang mga walang kalaban-labang biktima ng nag-iisang suspek na Australiano na kinilalang si Brenton Harrison, 28.

Iniharap na sa publiko ang suspek at nakangiti pa umano at nagmuestra sa kanyang daliri ng “ok” na mistulang ikinatutuwa ang kanyang ginawa.

Dinala ng New Zealand authorities sa himpilan ng pulisya ang suspek upang masampahan ng kaukulang kaso. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *