Wednesday , July 6 2022
INIHARAP sa media ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar ang nasabat na mahigit P1.5 milyong halaga ng ecstacy o party drugs, drug paraphernalia, iba’t ibang identification cards (IDs) at buy bust money na nakompiska sa dalawang graduating studentsng De La Salle University na sina Adriel Suzuki, Japino, at Ralf Jeffrey Esteban, sa ikinasang follow-up operation ng mga tauhan ng Makati PCP3 sa pamumuno ni S/Insp. James Fajardo sa pitong palapag ng gusali ng City Land sa Dela Rosa St., Brgy Pio del Pilar, Makati City kahapon ng umaga. Nasa larawan rin sina SPD Director C/Supt. Eliseo Cruz at Makati chief of police S/Supt. Rogelio Simon. (ERIC JAYSON DREW)

2 La Salle students arestado sa P1.5-M party drugs

MATAPOS ang isinaga­wang operasyon ng mga operatiba ng Makati City Police nahuli ang dala­wang graduating student ng De La Salle University na nakuhaan ng P1.5 milyong iba’t ibang uri ng party drugs kahapon ng umaga.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Elea­zar ang dalawang inares­to na sina Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, 24, half Japanese ng Unit 736 City Land, 9 Dela Rosa Condominium, Dela Rosa St., Barangay Pio Del Pilar, Makati City, at Ralph Jeffrey Esteban, 23, kapwa estudyante ng De La Salle College of St. Benilde ng BF Homes Almanza, Las Piñas City.

Ayon kay Makati police chief, S/Supt. Rogelio Simon, sinalakay ang nasabing condo unit dakong 7:00 am.

Ani Simon, kumuha ng serbisyo ng isang grab express (Angkas Padala Driver) si Suzuki upang ipahatid ang isang maliit na kahon (package) sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City na kahina-hinala ang laman.

Nang tanungin ng Grab Angkas Padala Driver na si Claus Saba­dera kung ano ang laman ng kahon na ipadadala tumangging sabihin ni Suzuki kung ano ang nilalaman ng kahon.

Dahil dito naghinala si Sabadera kaya dumeretso siya sa tanggapan ng Police Community Pre­cinct (PCP-3) ng Makati Police.

Nang buksan ni S/Insp. Jay-Ar Fajardo ang naturang package dito nakita na naglalaman ng iba’t ibang uri ng “party drugs” o ecstasy.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at sinala­kay ang ika-pitong pala­pag ng City Land Condo unit sa nasabing lugar.

Naabutan ng mga awtoridad si Suzuki na nasamsaman ang mahigit sa 1000 piraso ng party drugs, reduce cocaine, shabu at drug para­phernalia, ilang yunit ng Japanese yen, mga ID at ‘di pa mabatid na halaga ng pera. Inamin ni Suzuki na karamihan niyang parok­yano o kustomer ay pawang mga estudyante ng nasabing paaralan.

Para hndi mahalata sa naturang paaralan ang mga drogang nabibili, inilalagay niya sa kaha ng sigarilyo (Malboro).

Aminado ang mga suspek na nagbebenta sila ng ecstacy kapag may bumibili sa kanila ngunit iginiit na for consumption lang umano ito.

Sinabi ni NCRPO Chief Guillermo, mala­king sindikatong maitu­turing ang ganito kara­ming droga na karamihan ay mga estudyante ang parokyano.

Aniya, may posibili­dad rin sa loob ng condo unit karamihan gumaga­mit ng drugs ang mga nagiging customer ni Suzuki.

Sa isinagawang pag­si­siyasat ng mga tauhan ng Makati police aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng nakompiskang party drugs o ecstasy sa dalawa. Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung saan kumukuha ng droga ang mga suspek at hinahanting na rin ang babaeng Russian national na sinasabing source ng dalawa. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply