Saturday , July 27 2024

Ogie Alcasid, nagpakita ng versatility sa Kuya Wes

NAALIW kami sa pelikulang Kuya Wes nang napanood namin ito recently sa UP Cine Adarna bilang bahagi ng 10th anniversary celebration ng Spring Films na gumawa ng naturang pelikula.

Kilala si Ogie bilang mahusay na singer-comedian-composer, pero kakaiba ang ipinakita niya sa nasabing pelikula.

Ang Kuya Wes ay kuwento ng isang simpleng empleyado ng remittance center na boring ang buhay, na in love nang husto sa customer niyang si Erika (Ina Raymundo) kahit may asawang OFW. Kakaibang love story ito na may sangkap ng comedy at drama.

Ayon nga kay Ogie, nang una niyang nabasa ang script nito ay tawa nang tawa siya rito. Pero ang kurot sa puso ng istorya ang main reason kung bakit nag-decide siyang i-produce ang pelikula katuwang ang grupo nina Piolo Pascual.

Masaya rin siya na ang Kuya Wes ang magpapasimula ng 10th year celebration ng Spring Films.

“I’m so honored. Nakatutuwa naman na pinili pa nina PJ (Piolo) itong movie para sa 10th anniversary nila. So, I’m so happy na kami ‘yung pambungad nila for the 10th year,” saad ni Ogie.

Originally, ang Kuya Wes ay kabilang sa official entries sa Cinemalaya noong isang taon. Magkakaroon na ito ng commercial release at ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa March 13, 2019.

Bukod kina Ogie at Ina, ka­sa­ma rin sa pelikula sina Moi Bien, Alex Medina, Karen Gaerlan, at iba pa. Ang peli­kula ay mula sa direksiyon ni James Mayo.

Samantala, bilang bahagi ng pagdi­ri­wang ng 10th anni­versary ng Spring Films na pag-aari nina Piolo Pascual, Direk Joyce Ber­nal, at Erick­son Ray­mun­do, marami si­lang plano at maga­gandang project na naka-line up ngayong taon.

Kabilang dito ang mga pelikulang  Sunshine FamilyI’m Ellenya L. Hayop KaUP ProjectIstariray is BornPuppy LoveMarawi The Bouncer, A Short History of Parking Lots, Ang Araw ng Itim na Nazareno, at Post Angst.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *