Thursday , December 1 2022
Sabong manok

World Slasher Cup 2 may online registration

MAGKAKASUBUKANG muli ang mga de-kalidad na panabong sa pagsigwada ng 2018 World Slasher Cup 2 na lalarga sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum mula May 6 hanggang May 12, 2018.

Inaasahang muli ang matitinding bakbakan sa rueda ng matitinding lahi ng mga manok mula sa lokal na breeders at ang manggagaling sa iba’t ibang bahagi ng mundo para paglabanan ang se­cond edition ng WSC 2.

Ngayong taon, tiniti­yak ng organizers ng WSC na magiging madali para sa mga regular participants, returning cham­pions at mga bagong lalahok na sumali sa kompetisyon sa pag-introduced ng online registration system via its website,  www.worldslashercup.ph.

“Those interested can simply visit the website, click the REGISTER ENTRY button, and fill up the required details. After submission online, the WSC Derby Office will get in touch with the registrant to verify information and la­ter inform them if the registration is confirmed. Other details such as reservation of cockhouses and entry fee payments can also be discussed upon entry confir­mation,” pahayag ng pamunuan ng WSC.

Ang World Slasher Cup na tinaguriang “Olympics of Cockfighting” ay tinatangkilik at nilalahukan ng mga breeders mula sa  US, Kuwait, Indonesia, Malaysia, Taiwan, and the Philippines.

Si Rep. Patrick Antonio ay naitala ang kan­yang  seventh WSC title. Labis ang papuri niya sa WSC organizers sa “fair fights and clean competition” kung kaya tiwala ang mga mananabong na lumahok sa tinaguriang “gentleman’s sport.”

“The World Slasher Cup 2 dates are as follows: 2-cock Eliminations from May 6 to 7; 3-cock Semis on May 8 and 9; and 4-cock Pre-Finals and 4-cock Finals on May 11 and 12, respectively. WSC 2 will have a one-day break on May 10,” pahayag muli ng organizer ng WSC.

About hataw tabloid

Check Also

Maycydel Fajardo Chess

Sa Pozorrubio, Pangasinan
MAYCYDEL FAJARDO, SAMANTHA GLO REVITA, RICHARD DELA CRUZ, MAGKAPATID NA DIMARUCUT SASABAK CHESS TOURNAMENT

MANILA — Kompirmado na ang paglahok nina Maycydel Fajardo ng San Fabian, Pangasinan; Samantha Glo …

Daniel Quizon Chess

Filipino chess whiz naghari sa Asian Juniors blitz tournament

TAGAYTAY CITY — Kinapos si International Master Daniel Quizon sa rapid at standard chess ngunit …

Kim Yutangco Zafra Chess

PH bet Kim Yutangco Zafra naghari sa Estonia chess tourney

ni Marlon Bernardino MANILA — Pinagharian ni Filipino Kim Yutangco Zafra ang katatapos na Tallinna …

Rogelio Joey Antonio Jr Chess

Antonio tumapos sa ninth place

MANILA — Nakamit ni Filipino Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr., ang ninth place honors …

CHECKMATE ni Marlon Bernardino

Tagumpay sa grassroots program

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino MATAGUMPAY na naganap ang Inter Cluster Chess Tournament sa Kalawaan Elementary …

Leave a Reply