Saturday , June 15 2024
paul lee kiefer ravena

2-0 target ng NLEX

KAKAPITAN muli  ng NLEX si rookie Kiefer Ravena pagharap nila ngayong alas-7 ng gabi laban sa Magnolia Hotshots sa Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nagsalpak ng mahahalagang puntos  at plays si Ravena  sa endgame sa Game 1 upang kalusin ang Magnolia Hotshots, 88-87 at makauna sa kanilang best-of-seven series.

Nakatuwang ni Ravena si Alex Mallari na nag­baon din ng importanteng puntos upang ibalik sa Road Warriors ang bandera sa huling dalawang minuto ng bakbakan.

Nakapagtala ng 16 points si former King Eagle Ravena pero ang dalawa sa naging susi sa kanilang panalo ay ang pasa nito kay Mallari para sa  go-ahead three-pointer at steal nito kay Hotshots center Rafi Reavis.

“As I’ve said before, we’re just in this for the ride,” saad ni NLEX head coach Yeng Guiao. “This is an adventure for us as a team. We’re just enjoying. Para kaming gatecrashers sa party. Nandito pa rin kami.”

Si Cyrus Baguio ang namuno sa opensa para sa Road Warriors na kumana ng 17 puntos habang 14 ang inambag ni Mallari.

Masaklap ang pag-katalo ng Pambansang Manok Magnolia dahil bukod sa naunahan sila sa serye ay nagkaroon pa ng injury si power forward Marc Pingris.

Kaya naman kailangan magdoble kayod ang malalaki ng Magnolia na sina Ian Sangalang at Reavis dahil posibleng hindi makalaro si Pingris nga­yon.

Kasama sa sasandalan ni Hotshots coach Chito Victolero sina Paul Lee, Mark Barroca at veteran PJ Simon.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16

Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16

Kasado na ang “Langoy Pilipinas’ Age-Group Swimming Championship sa Hunyo 16 sa Marikina Sports Complex …

Tolentino ROTC Games

Mga atletang kadete ng Philippine Army una sa Visayas Leg ng ROTC Games 2024

NANGUNA ang mga atletang kadete mula sa Philippine Army sa Visayas qualifying leg ng Philippine …

Jirah Floravie Cutiyog Chess

Jirah Floravie Cutiyog nagreyna sa 2024 National Age Group Chess Championships U-16 Girls Elimination FIDE Standard tilt

Dumaguete City — Nagkampeon si Jirah Floravie Cutiyog sa 2024 National Age Group Chess Championships …

Michael Concio Jr Chess

IM Concio, Jr., nagkampeon sa 64th San Carlos Charter Day Open Rapid Chess Tournament

SAN CARLOS CITY — Nagwagi si International Master (IM) Michael Concio, Jr., sa 64th San …

Asia ParaTriathlon Championships

Jiachao Wang kampeon sa 2024 NTT Asia Triathlon  Para Championships

MATAGUMPAY na ipinamalas ang lakas at determinasyon ni Jiachao Wang ng China upang angkinin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *