Wednesday , March 22 2023

Magnolia Hotshots ibabandera sa PBA (Purefoods franchise nagpahiyang)

KINAPOS nang ilang seasons  ang Star Hotshots kaya nagpahiyang muna sila sa pangalan.

Sa darating na Philippine Basketball Association, (PBA) Philippine Cup season sa susunod na buwan, ibabandera ng Purefoods franchise ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Ayon kay team ma­nager Alvin Patrimonio, tuwing magpapalit ng pangalan ang kanilang team ay nagkakampeon sila agad.

“Challenge ito for the team, kasi every time na nagpapalit ng name, nagcha-champion,” saad ni former PBA four-time Most Valuable Player, (MVP) Patrimonio kahapon sa naganap na press launch sa Ynares Sports Arena. “It’s an exciting season again with a new logo and a new team name.”

Noong 2012, nagpalit ng pangalan ang team, nagkampeon agad dala ang B-Meg Llamados sa Commissioner’s Cup, sunod ang San Mig Super Coffee at nag-grandslam sila noong 2014 season.

Na-pressure pero tinanggap ni Hotshots coach Chito Victolero ang challenge ni Patrimonio.

“Prinessure mo naman kami agad, boss Kap,” nakangiting sabi ni Victolero kay Patrimonio. “It’s a new challenge, hindi lang sa akin but sa staff and the players. Tinatanggap na­min yung challenge na ‘to, and we’re working hard. Para ma-improve ang team natin.”

May 13 titulo ang Purefoods sa PBA.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply