Wednesday , October 5 2022

Pinoy Boyband Superstar, nagpakitang gilas sa ABS CBN Christmas party sa press

MARAMING members ng entertainment press ang umuwing nakangiti sa ginanap na Christmas party ng giant network na ABS CBN. Kabilang kami sa pinalad na manalo sa raffle na siyang highlight ng event na ito ng Kapamilya network para sa mga member ng entertainment media. Ang pa-raffle ang pinakahihintay ng lahat at salamat naman dahil for the last two or three consecutive years yata ay lagi naman akong nanalo. This year, si Manay Ethel ang pinalad at naging grand winner ng tumataginting na P20,000 cash.

As usual, maraming sorpresang ihinanda ang pamunuan ng ABS-CBN Corporate Communication ni Kane Errol Choa, with katotong Aaron Domingo and company.

After ng masaganang dinner ay nagsimula na ang kasiyahan sa Dolphy Theater at hosts ng gabing iyon ang kuwelang Dynamic Duo ng DZMM Teleradyo na sina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz na nanapanood at napapakinggan din Mondays to Fridays sa Mismo program nila sa naturang station.

Kudos sa nakaka-aliw na mga pakuwela nina Jobert at Ahwel. Dito’y kitang-kita talaga ang kanilang magandang tandem at saluhan ng mga joke at pakuwela. Na kahit nag-solo si Ahwel sa bandang kalagitnaan ay hindi lumaylay ang kasiyahan that night. Mukhang ganado kasi si Ahwel at talagang marami ang naaliw nang husto sa mga adlib niya, kasama na kami.

Kabilang pa sa highlight ng gabing iyon ang pa-contest na Tawag ng Tanghalan na sina Erik Santos, Kyla at Jaya ng It’s Showtime din ang mga hurado. Sa apat na contestants, wagi rito si Noel Orsal na photog sa PEP.ph. Lalo namang sumaya ang gabi sa pag-entra ng Family Feud na ang host mismo ay si Luis Manzano rin. Special mention naman ang production number ng ilan sa hosts ng DZMM na sina Doris Bigornia, Winnie Cordero, Marc Logan, at Gus Albegus na kumanta ng medley ng Isang Linggong Pag-ibig at Macho Guwapito.

Anyway, dito namin unang nabistahan ang pitong singing heartthrobs from Pinoy Boyband Superstar na kinabibilingan nina Ford, Joao, Mark, Niel, Russell, Tony, at Tristan. Hindi lang guwapings, talented din sa kantahan ang mga ito at malaki ang future na sumikat at tilian din sila ng fans.

Habang sinusulat namin ang pitak na ito, ang 17 year old na si Niel Murillo from Cebu ang unang winner ng Pinoy Boyband Superstar. Last Saturday inanunsiyo na si Niel ang nagkamit ng highest combined scores mula sa judges’ ratings at sa text votes. Nanalo siya ng P1-million cash prize at slot para maging bahagi ng naturang boyband na ima-manage ng Star Magic.

Ang superstar judges dito ay binubuo nina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino, at Aga Muhlach.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply