Wednesday , October 5 2022

Enchong, 3 taong natengga, pagbabalik-serye suporta lang kina Ian at Bea

PAGKATAPOS ng screening ng Chinoy Mano Po 7 noong Biyernes ay tsinika namin si Enchong Dee sa Max’s Restaurant doon kasi ginanap ang late dinner para sa buong cast at imbitadong entertainment press.

Kinumusta namin si Enchong kung ano ang TV project niya dahil matagal na rin siyang hindi napapanood.

“Malapit na, next year kasama ako sa ‘A Love To Last’ nina Ian Veneracion at Bea Alonzo,” kaswal na sabi ng aktor.

Tinanong namin kung ano ang papel niya, “kakaiba, abangan mo,” ngumiting sabi sa amin.

Walang leading lady si Enchong sa nasabing serye samakatuwid ay suporta lang siya kina Ian at Bea.

“Okay lang kasi maganda ang role ko,” diin ulit ng binata.

Sabi namin na baka namimili siya ng role kaya ang tagal niyang walang teleserye.

“Hindi naman ako namimili ng role, wala lang talagang offer.  Three years din akong tengga sa serye,” pag-amin ng aktor.

Iba-ibang role mula sa Regal, mas nakapagpakita ng galing sa acting

Sa tatlong taong walang TV project si Enchong ay malaki ang pasalamat niya dahil pinagkatiwalaan siya ng Regal Entertainment na gumawa ng pelikula.

“Ang galing nga, kasi iba-ibang role ang ibinibigay sa akin nina Mother (Lily Monteverde) at Ms. Roselle (Monteverde-Teo), dati ginawa akong bangkay (I Love You To Death) at ngayon, ginawa naman akong adik (Chinoy Mano Po 7).

“Parang ang sarap mo laruin hindi ‘yung lagi na lang boy-next-door. Paano mo maipakikita ‘yung galing mo kung hindi ka naman nabibigyan ng pagkakataon?” paliwanag ni Enchong.

Sinang-ayunan namin ang sinabi ng aktor na iba ang karakter niya sa Chinoy Mano Po 7 na isang adik at maganda ang pagkakaganap niya kaya tinanong namin kung adlib ‘yung eksenang nasa loob siya ng rehabilitation center habang nag-uusap sila ng leading lady niyang si Jessy Mendiola.

“Hindi saktong adlib, kung baka ibinigay sa akin ni direk Ian (Lorenos) ‘yung sitwasyon, kumbaga ako na bahala, so ginawa ko naman ‘yung paraang alam ko, so far nagustuhan, click naman,” napangiting sagot ni Enchong.

Ang nasabing eksena ay ‘yung kinakausap ni Enchong si Jessy dahil nga bagong pasok at binanggit niyang, ‘dati akong adik, (sabay pisil sa kanang bahagi ng ilong) ikalawang beses ko na rito (rehab) at sa tingin ko, huli na ito, hindi na ako babalik.  Siya nga pala, ako si Wilson, Jr, adik (sabay abot ng kamay niya kay Jessy).’  Grabe ang tawanan sa buong sinehan sa seryosong acting, pero nakatatawang mensahe ng aktor.

Napangiti naman si Enchong at nagpasalamat na nagustuhan ang acting niya.

Loveless pa rin, ‘di priority and lovelife

Samantala, loveless ang aktor at maayos naman daw silang naghiwalay ng dati niyang karelasyong si Samantha Lewis na may boyfriend na kaagad ngayon.

Pakiusap ni Enchng, “hayaan na lang natin siya. Naging maayos ang paghihiwalay namin, at saka naging magkaibigan kami. Bago siya umalis, nagkita pa kami, so maluwag ‘yung (paghihiwalay).”

As of now ay hindi prioridad ng aktor ang paghahanap ng karelasyon dahil mas gusto niyang mag-concentrate sa trabaho niya na sobrang na-miss niyang gumawa ng teleserye.

Neil, Tristan, Ford, Russel at Joao bumuo sa Boyband PH; P10-M ginastos sa stage ng PBS, The Grand Reveal

121316-pinoy-boyband
SINADYA naming manood ng Pinoy Boyband Superstar, The Grand Reveal na ginanap sa bagong tayong stage sa parking lot ng ABS-CBN Main Building noong Linggo ng gabi.

Grabe ang sigawan na may kasamang padyak ang mga supporter ng PBS na may kanya-kanyang hawak ng streamer at talagang nagtiyagang pumila at tumayo ng ilang oras sa harap ng stage.

Inisip nga namin na hindi kaya naihi na ang mga kababaihang alas kuwatro palang ng hapon ay nakatayo na sa harap ng stage gayung 7:15 p.m. pa nagsimula ang show?

Anyway, nauna nang pinangalanan si Neil Murillo noong Sabado bilang unang nanalo ng Pinoy Boyband Superstar at nag-uwi ng P1-M cash, Yahama motorcycle, at kontrata sa Star Music.

Noong Linggo pagkatapos ng kani-kanilang pagtatanghal ay sina Russel Reyes, Ford Valencia, Tristan Ramirez, at Joao Constancia ang ibinoto ng taumbayan para mabuo ang grupo na tinawag na Boyband PH.

Isa kami sa nanghinayang na hindi nakapasok si Tony Labruska dahil simula pablang ng contest ay nagustuhan na namin siya.

Pero mukhang hindi nagustuhan nina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino, at Aga Muhlach ang kinanta niyang Kulang Ako Kung Wala Ka dahil wala raw kabuhay-buhay at naka-apekto ito dahil natalo ang anak ng aktor na si Boom Labruska.

Nahalata na naming pasok si Joao sa Boyband PH dahil siya ang unang kumanta ng Twerk It Like Miley na hindi man ganoon kaganda ang boses ay idinaan naman niya sa sayaw na sobrang pinuri rin ng mga hurado.

ikatlo si Ford sa awiting Without You na may pinakamalinaw na vocals at naintindihan namin ang lyrics.

121316-pinoy-boyband-stage
ika-apat si Tristan (Can’t Stop The Feeling) na idinaan din sa pagsayaw kahit na medyo akward ang dating kasi nga parang nahuhuli sa tono ang pag-indak niya, nahuli pa nga ng kamera si Yeng na nakakunot ang noo dahil siguro iniisip niya kung ano bang ginagawa ng binata.

Pang Limang kumanta si Mark ng Mangarap Ka na halatang sobrang effort dahil may drama-drama pa kunwari at napuri naman iyon ng mga hurado, pero hindi nag-klik dahil siya ang may pinaka-mababang score.

Hinuli nila si Russel sa awiting All I Ask ni Adelle na sa totoo lang, hindi malinaw ang lyrics dahil parang kinakain nito ang letra, pero grabe sa emote at taas ng tono kaya nadala niya ang mga hurado at binigyan siya ng standing ovation.

Iniendoso pa nga ni Aga si Russel na iboto siya dahil sa maganda nitong performance.

Tulad ni Neil ay tumanggap din ng tig-P1-M, motorsiklo mula sa Yamaha at kontrata sa Star Music sina Tristan, Ford, Russel, at Joao.

Samantala, gandang-ganda kami talaga sa binuong stage para sa PBS Grand Reveal dahil hi-tech at pati mga ilaw ay ang ganda talagang tingnan at buong entablado ay naka-LED kaya ang tanong kaagad namin sa taga-produksiyon ay naka-magkano ang pagpapagawa nila sa venue.

Nakagugulat din ang apat na minutong fireworks at apat na bugang confetti habang kumakanta na ang Boyband PH sa una nilang single na We Made It na isa pang hindi na rin maintindihan ang lyrics at si Tristan ay nawala pa sa tono.

Bulong sa amin ng taga-production ay umabot sa P10-M ang nagastos sa stage kasama na ang fireworks at confetti.

“Halos lahat ng Santo ay tinawag na namin na sana huwag umulan noong Sabado at Linggo kasi nga open air, nakatatakot dahil ‘pag umulan, hindi na magagamit ‘yung buong set, delikado baka magputukan, may makoryente pa.  Kaya sobrang stressed lahat sa production,” pagtatapat sa amin.

Babaklasin naman daw ulit ang entablado pagkatapos ng Christmas Party ng buong empleado ng ABS-CBN dahil, “parking lot ‘yun kaya tatanggalin din.”

Binabati namin ang buong PBS Team dahil ang ganda ng show.

Ang kapalit ng PBS ay ang Your Face Sounds Familiar Kids edition na magkakaroon na ng taping sa December 21.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply