Thursday , September 29 2022

Robin gustong makapareha ni Sharon Cuneta sa kanyang comeback movie sa Star Cinema (Hindi sina Gabby, Richard at Aga…)

NGAYONG may YouTube channel na si Sharon Cuneta ay mas madali na para sa lahat ng Sharonians ang magkaroon ng access sa kanilang idolo.

Lahat ng latest activities ni Shawie na may kinalaman sa kanyang career at pamilya ay makikita rin sa nasabing channel at last Friday ay ibinalita ng megastar ang pagsagot niya ng mga katanungan mula sa kanyang mga tagahanga sa buong mundo.

Ilan sa mga question at kabilang ang paboritong itanong sa kaniya kung sino ang magiging leading man sa comeback movie ay isa-isa niyang sinagot.

And according to her (Sharon), si Robin Padilla ang talagang gusto niyang makapareha sa gagawing movie sa Star Cinema na nakatakdang i-direk ni Cathy Garcia-Molina.

Humingi agad si mega ng paumanhin kina Gabby Concepcion, Richard Gomez at Aga Muhlach kung bakit si Binoe ang pinili niya. Ang paliwanag niya ay ibang klase raw makasama sa trabaho si Robin na gentleman, maalaga, at marespeto.

Pero wala siyang ibinigay na kompirmasyon sa muling pagtatambal nila ng sikat na action star dahil nakadepende raw ito sa Star Cinema at kay Robin mismo.

So suprising gyud!

BANANA SPLIT TO BANANA SUNDAE PATOK NA PATOK

SA TV VIEWERS ANNIVERSARY  CONCERT NG BUONG

CAST NGAYONG 17 NOB NA  SA KIA THEATER

Nagpalipat-lipat man ng timeslot at nagpalit ng titulo ang Banana Split to Banana Sundae ay hindi maikakai-

lang panalo sa rating ang gag show ng ABS-CBN-2 na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP.

Honestly, sa lahat ng comedy show sa Philippine local television, hindi ito trying hard o overacting magpatawa ng viewers at pawang magagaling ang cast pagdating sa spoof ng mga sikat na celebrity, politicians at personalities.

Ito rin ang gag show na may kantahan at sayawan kaya wala na talagang hahanapin pa sa cast na kinabibilangan nina Angelica Panganiban, Pooh, John Prats, Jason Gainza, Ryan Bang, JC De Vera, Jessy Mendiola, Sunshine Garcia ng Sexbomb, Aiko Climaco, Jobert Austria, Badjie Mortiz Pokwang atbp.

Kaya’t samahan sila every Sunday sa kanilang mga hit na segment na Hugot at Baby Luv at iba pang nakatatawa at nakaaaliw nilang segment sa show.

At kung kilig ang hatid ng JC and Jessy love team ay kuwela naman ang tambalang JC at Pooh.

Ang programa ay idinidirehe ni Bobot Mortiz kasama ang segment director na si Jem Reyes, executive producer na si Rocky Ubana, creative manager na si Willy Cuevas, at headwriter na si Ricky Victoria sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Reily Santiago.

Ngayong buwan bahagi ng selebrasyon ng Banana Sundae para sa kanilang 8th anniversary, magkakaroon ng concert ang cast na gaganapin sa Kia Theater sa Huwebes (November 17).

Huwag palalampasin ang two-part airing ng “Banana Sunda8: The 8th Anniversary Special” sa Nov 20 at 27, sa Kapamilya network weekend slot.

RUFFA GUTIERREZ NAG-APPLY NA INDAY HENYO

KINA ALDEN AT MAINE SA EB KALYESERYE

Siyempre dahil artista at dating 2nd Princess sa Miss World, ay pinakamaganda si Ruffa Gutierrez sa mga nag-a-apply na Inday Henyo sa tatlong Lola ni Yaya Dub na sina Tinidora (Jose), Nidora (Wally) at Tidor (Paolo) na ang tatanghaling grand winner ay siyang magiging kasambahay ng mag-asawang Alden Richards at Maine Mendoza sa Kalyeserye.

Hindi lang ang galing sa pagluluto ang ipinamalas ni Ruffa sa guesting niyang ito sa Kalyeserye ng Eat Bulaga kundi nagpamalas rin siya ng isang kanta na hit ni late Elvis Presley na hindi man Diva ang dating pero marami ang naaliw sa daughter ni Annabelle Rama.

Ang Inday Henyo ay isa sa patok na segment ngayon sa EB at dinudumog talaga ang bawat audition dahil lahat gustong manalo at makita ang mukha nila sa TV.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply