Thursday , June 4 2026

Ejay Falcon, inamin na ang relasyon kay Jana Roxas

FINALLY, inamin na ni Ejay Falcon na may girlfriend na siya dahil nag-post siya ng litratong magka-holding hands sila ni Jana Roxas sa kanyang Instagram account noong Martes ng gabi na nasa Tokyo, Japan sila na may caption na, ”finally.”

Sino si Jana Roxas? Produkto siya ng Starstruck batch 3 at unang beses naming nakitang magkasama ang dalawa sa Robinson’s Magnolia noong Oktubre 5, Miyerkoles, 9:30 ng gabi.

Hindi namin namukhaan si Jana noong gabing nakita namin sila ni Ejay dahil pumayat siya kompara sa pagkakatanda namin noong sumali siya sa Starstruck at higit sa lahat, bihira na rin siyang mapanood sa telebisyon.

Pero teka, bale sa pagsasaliksik namin ay may asawa na si Jana, ibang Jana Roxas kaya itong nali-link kay Ejay?

Anyway, malalaman natin ‘yan Ateng Maricris ‘pag nakita namin si Ejay.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …