Julie Anne, dream mag-Broadway: No reservations naman sa pagmamahal kay Benjamin
SA kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang concert sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose sa pamamagitan ng When Julie Ann Meets Christian sa Nobyembre 11, sa Kia Theater.
Ayon sa producer ng When Julie Meets Christian, ang Dreamstar Events Management, GMA Network, naiibang kombinasyon ang pagsasama ng dalawang produkto ng singing search.
โWith this two, definitely itโs a rare opportunity na pagsamahin sila, because they are both Diamond awardee from their albums. With our expectations with this specific concert is mayroon po kaming specific na ginawa for this concertโฆ weโre doing it in a theatrical way.
โItโs a love song from courtship, to sweet-sweetan to argument to reconciliation. So itโs a big treat for everyone,โ sambit naman ng director ng kanilang konsiyerto, si direk Marvin Caldito.
Samantala, aminado si Julie Anne na dream din niyang mag-Broadway.
Anito, โActually dati po, nag-try ako mag-audition sa โMiss Saigonโ. Nakatanggap po ako ng call slip kaya lang po nagkasakit ako noon. Hindi ako nakapunta ng audition.
โSiguro sabi ni Lord, hindi ko pa panahon. Pero Iโm really not shutting my door naman if ever na magkaroon ng opportunity na makapag-Broadway or to perform abroad. I think hindi naman po imposible โyun.โ
Sa kabilang banda, mas open na ngayon ang pakikipagrelasyon ni Julie Anne kay Benjamin Alves, na kasama niya sa isang serye sa GMA 7. โWeโre still there. Weโre happy. Basta,โ anito patungkol sa kanilang relasyon.
Aminado si Julie Anne na matagal na ang relasyon nila. โMatagal na talaga and medyo ngayon lang po nagkaroon ng opportunity (na maihayag at mapag-usapan). I think nasagot na namin ito before. So ayun, it started kasi noong May, sa concert ko roon nag-start lahat,โ kuwento ng batang singer/aktres sa presscon ng kanilang concert ni Christian.
Sinabi pa ni Julie na hindi nila itinago ni Benjamin ang ukol sa kanilang relasyon. โWeโre open naman po and weโre not hiding anything naman. It doesnโt mean na showy kami and stuff like that. Hindi po kami ganoon. May kanya-kanya rin po kaming reservations.
โAko reserve ako ganoon din siya. Ganoon din po ang gusto ng family namin, ng parents ko, ng parents niya.
โI think mas okey po โyun kaysa alam mo โyung masyadong showy. Hindi naman po kasi kami ganoonโฆ And as long as were not hiding naman.โ
Sinabi pa ni Julie Anne na okey sa pamilya niya si Benjamin gayundin ang relasyon nila. Ipinakilala niya na rin ang binata bago pa man ito manligaw sa kanya. โOkey naman po siya, matiyaga po siya. Heโs really patient.โ
Nabanggit pa ni Julie Ann na si Benjamin ang unang lalaking nakilala ng pamilya niya na nagkaroon siya ng seryosong relasyon.
โI think siya po yung unang ipinakilala ko sa parents ko, mas gusto nila โyung ganoon sa bahay (nanliligaw). Mas okey, mas open din,โ sambit pa ng dalaga na hindi naman naging mahigpit ang mga magulang nang malamang nanliligaw ang actor.
Katunayan, matagal na pala siyang pinayagang magpaligaw, siya lamang daw ang umayaw dahil, โWala rin lang naman po akong oras, choice ko rin naman po na huwag muna before. May school pa ako, tapos focus sa work. Siguro right timing na rin, hindi naman nila ako pinagbabawalan.โ
Iginiit pa ni Julie Anne na dahil sa pagiging understanding ni Benjamin,ย napamahal ito sa kanya. โAt parehas kami na bina-value ang family and marespeto po sa akin pati sa magulang ko.โ
At nang itanong namin kung ano ang naging impresyon ng mga magulang ni Julie Anne kay Benjamin, sinabi nitong, โWala naman po masyado. Noong ipinakilala ko siya noong nanliligaw siya, parang nag- uusap kami sinabi ko na agad sa parents ko kasi nga po ayokong magtago sa kanila. Mas importante na alam nila. At wala namang problema, heโs in the right age naman and matured.โ
Sa pakikipag-usap naming kay Julie Anne, kitang-kita at damang-dama namin ang pagmamahal niya kay Benjamin. Kasi naman, kung ma-inlove pala si Julie Anne ay, โI think importante rin na hindi nawawala ang focus sa priorities. Masarap ma-inlove, nakaka-inspired din to do stuff na gustong gawin para lalong ganahan.
โPero siyempre you have to give your hundred percent to that person. Kapag gustong mag-commit sa isang tao, siya lang. At importante na mag-commit ka sa taong mahal mo.โ
At dahil sa raong ito ni Julie Anne, nasabi naming kung siya โyung taong walang reservation. โSiguro you can say that. Andoon din naman ang trust at respect.
Anyway, mabibili ang tickets para sa When Julie Anne Meets Christian sa Ticketnet.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
