Friday , March 31 2023

Media outlets ng pamahalaan palalakasin

081816 martin andanar
ANG 5O DAYS NI DUTERTE. Buong pinagmalaki ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar ang mga nagawa ng Administration ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ngayong araw ang ika 50 araw nito bilang pangulo ng Filipinas at sinabi ni Sec.Andanar ang mahigit na sa labing limang top achievement ng pangulo sa isinagawang News Furom sa Kapihan sa Manila Bay Cafe Adriatico Malate Manila. ( BONG SON )

KASUNOD ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order (EO) para sa Freedom of Information (FOI), ipinamahagi na sa lahat ng ahensiya ng gobyerno ang template sa pagpa-patupad ng nasabing batas.

Ito ang ibinalita ni press secretary Martin Andanar sa Kapihan sa Manila Bay sa Malate, Maynila para ipagbigay-alam ang sinseridad ng Pangulo na maging bukas sa puna at kritisismo ng publiko ang lahat ng sangay ng pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi rin ng kalihim na simula na rin ang pag-overhaul ng government-controled media institutions na kinabibilangan ng Philippine Information Agency (PIA), Philippine News Agency (PNA), People’s Television (PTV) Network at Radyo ng Bayan.

“Kailangan nating maihatid sa mamamayan ang lahat ng mga kaganapan sa ating bansa dahil dito natin masusukat kung tunay na nagiging matagumpay ang ating mga programa para sa bayan,” punto nito.

Binigyang halaga ni Andanar ang pamamahagi ng impormasyon sa publiko bilang sukatan ng tunay na kalagayan at situwasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Tulad sa digmaan sa Mindanao. Hindi tayo puwedeng dumepende lamang sa baril o sa ating militar. Kailangan natin ng information dissemination para malaman ng taongbayan ang pag-usad ng kapayapaan sa rehiyon,” aniya.

Sinabi ng kalihim, mahalagang makaabot ang impormasyon sa pinakamababang antas ng lipunan hanggang sa grassroots level.

“Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon din ng overhaul sa OPS (office of the Press Secretary) at Presidential Communications Office (PCO) at kung bakit parang mailap ako ngayon sa mga panayam ng media… kailangan ko kasing mapagana ang PIA, PNA at Channel 4 para maging lubos ang pagtupad sa kanilang mandato na magbigay ng impormasyon sa publiko,” ani Andanar.

Upang mabigyang-diin ang katuwiran sa likod nito, binanggit niya ang kakulangan sa gamit at pondo ng nasabing mga institusyon, tulad ng PTV4 na ang ilang estasyon ay matagal naipasara o kaya’y mahina ang transmisyon.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *