Disenteng trabaho alay sa Parañaqueño (Mega job fair 2016)
PATULOY ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City para iangat at bigyan ng disenteng pamumuhay ang kanilang constituents.
Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Mega Job Fair naniniwala si Mayor Edwin Olivarez na unti-unti ay makikita ng mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon at hanapbuhay.
Bukas Biyernes (19 Agosto 2016), mula 8:00 am hanggang 4:00 pm, gaganapin sa Parañaque City Hall ang unang araw ng Mega Job Fair.
Sa Sabado (20 Agosto 2016), mula 9:00 am – 4:00 pm, gaganapin naman ang job fair sa SM Muntinlupa, Muntinlupa City.
Nitong mga unang linggo ng Agosto ay ikinalat na sa iba’t ibang barangay at sa city hall mismo ang mga tarpaulin, streamers at leaflets para makarating sa mga Parañaquero ang panawagan na lumahok sa nasabing mega job fair.
Para sa pre-registration, ang mga aplikante ay pinaalalahanan na magdala ng dalawang (2) kopya ng resume, voter’s ID o kahit anong valid na identification card (ID).
Sa mga dating aplikante, dalhin ang inyong PESO identification card, dalawang resume sa PESO Parañaque, 4/F Left Wing, City Hall Building San Antonio Valley 1, Sucat, Parañaque City.
Sa pamamagitan ng job fair, hindi na kailangan ‘magpudpod’ ng sapatos ng isang aplikante para makahanap ng trabaho.
Ano pa hinihintay ninyong mga aplikanteng taga-Paranaque? Ihanda ang inyong resume at valid ID para sa disenteng trabaho…
See you there!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
