Pakyawan sa “MECO”
Parang ginawa raw ‘tambakan ng utang’ ni President Rodrigo “Digong” Duterte ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan.
Lahat raw kasi ng mga ‘paki’ sa kanya na mukhang hindi niya kayang ilagay sa iba’t ibang tanggapan ay inilagay niya sa MECO.
Nandiyan ngayon si dating National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo.
Ang utol ni dating President Fidel Ramos na si dating Senador Leticia Shalani.
Isang si Gilbert Lauengco at Rommel Sytin, ang kasalukuyang presidente ng Foton Philippines.
Si Lauengco ay chief of staff ni Banayo noon sa NFA. Magkasama sila ni Banayo nang pumutok ang maraming issue sa NFA at nasampahan pa ng kaso.
Si Sytin, isa sa malaking contributor umano ni VP Jojo Binay nitong nakaraang eleksiyon.
Nakapagtataka na siya ay mabilis na nakatawid sa admininistrasyon ni Duterte.
Habang si Senator Letty Shalani, kamakailan lang ‘e napaka-kritikal niya sa pagtawag ni Digong kay Ambassador Goldberg na bakla, ngayon ay naging taga-MECO na (naman)?!
Ganoon lang pala kabilis magpalit ng kulay?
Tsk tsk tsk…
Ingat-ingat po, Mr. President at baka makanal kayo sa mga appointee na hindi ninyo masyadong nakikilala…
Paalala lang po ang sa atin.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
