Saturday , June 15 2024

Anak ni Alex, na-hostage

A mother’s tale. Mapangahas na gagampanan ni Alessandra de Rossi ang papel ng isang inang lalaban para maisalba ang buhay ng anak na hinostage ng kanyang  asawa sa isang makapigil hiningang episode ng MMK ngayong Sabado (July 16).

Bata pa lang si Emily (Alessandra) nang iwan sila ng ama. Dahil sa masamang karanasang iyon, ipinangako ni Emily sa sarili na hindi dapat maranasan ng kanyang mga anak ang sinapit niya. Subalit sa kasamaang palad, iniwan si Emily ang kanyang unang asawa pagkatapos niyang ipanganak ang unang anak na si Cheska (Xyriel Manabat).

Matapos ang ilang taon, makikilala ni Emily si Larry (Joem Bascon) at magkakagustuhan. Magpapakasal sila at susubukan muli ni Emily na magkaroon ng isang buong pamilya. Magkakaroon sila ng dalawang anak, sina Rose (Alora Sasam) at Chona (Joan Bugcat). Masaya na sana si Emily sa kanyang buhay nang malaman niya na nalululong na pala si Larry sa droga.

Isang araw, habang nasa labas si Emily, pumasok si Larry sa bahay at hinostage si Cheska. Paano ito haharapin ni Emily?

Kasama sa nasabing episode ng MMK sina Maris Racal, Maureen Mauricio, Rez Cortez, at Zarah Mae Dilegoro. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Dondon Santos at panulat ni Nikki Bunquin. Ang  MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si  Malou Santos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa  iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Baby ni Nikko ng Hashtags, ‘di itinago

A ‘mother’s’ concern.

May mensahe ang manager ni Nikko Seagal ng #Hashtags na si Jobert Sucaldito sa alagang nakasama sa mga housemate ni Kuya sa PBB in Vietnam. Ito ang tumatayong nanay-nanayan ni Nikko in showbiz!

Panay na raw kasi ang nguyngoy ni Nikko sa nasabing bansa dahil hindi nito mapigilan ang nararamdamang pangungulila sa isang mahal sa buhay.

“This is what I have to say about Nikko and his little angel. From the very start I already knew na may anak na siya. He told me about it. I advised him na if media ask him about the baby one day, aminin niya. Hindi itinatanggi ang baby because it’s always a blessing. What makes me proud of nikko is because he is a good and very loving and responsible young father to his child. So why hide it anyway? Nikko anak, good luck sa journey mo sa ‘PBB’ lucky 7 and your future career in showbiz. God bless you.”

Kaya, walang dapat itago pa si Nikko about his status.

Governor ng Butuan, fan ni Imelda

MOTHERLY love.

Tuwang-tuwa sa Jukebox Queen na si Imelda Papin ang people of Carrascal, Surigao del Sur! At ito eh naramdaman sa mismong Governor ng Butuan at Mayor ng Carrascal—ang mag-amang BB at VJ Pimentel respectively.

Matagal na palang inire-request ni Governor na makarating sa kanilang pista si Mel. At ayon nga sa kuwento nito, noong kumakakanta pa lang si Mel sa isa sa pinakasikat na nightclub in the metropolis, sa Eduardo’s, alas siete pa lang ng gabi eh, inaabangan na niya ang idolo niya.

Kung bakit naman walang makapagdala nito sa bayan nila at ngayon lang nangyari through Jobert (Sucaldito).

Sinamahan pa ng isang idolo ni Governor BB, ang Hari ng Karaoke na si Marco Sison. Na paborito rin niya ang mga kanta.

Kumompleto sa saya ng Miyerkoles (sa week-long celebration) sina Kyla at Rowel Quizon.

In fairness, para lang long lost Mama ng Carrascal si Mel dahil bata at matanda eh alam ang kanta niya na buong pagmamahal at puno ng pasasalamat na inihandog niya sa sumusubaybay sa kanyang si Governor BB, Mayor VJ at pamilya nila.

Bukas na ang Butuan at Carrascal for Mel na manghang-mangha naman sa rich nickel mining industry ng bayan.

“You are blessed! Alagaan niyo po ang mga biyayang ito!”

Kasama na sila ni Marco sa magbabalik-balik sa napakagandang bayan ng Carrascal!

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …

Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED Rni Rommel Gonzales REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *