Thursday , July 25 2024

Jalalon Accel Player of the Week

DIKIT na tinalo ni Jio Jalalon si reiging Rookie-MVP Allwell Oraeme sa ACCEL Quantum Plus-3XVI NCAA Press Corps Player of the Week.

Umunat si Arellano U point guard Jalalon sa scoring, assists at steals matapos ang dalawang laro kaya nakopo nito ang unang citation ngayong 92nd NCAA senior men’s basketball tournament.

“He’s our MVP,” patungkol ni Arellano U coach Jerry Codinera kay Jalalon.

Si Jalalon ay may average na 28 points, seven assists, six rebounds at five steals at mayroon lang na 2.5 turnovers per game game.

Nirehistro rin ni Jalalon ang 50 percent shooting sa field at 80 porsiyento sa free throw line para tulungan ang Chiefs na isampa sa tuktok na may 2-0 baraha.

May tinikadang average si Oraeme na 20.5 points (third best), 19.5 boards (first) at three blocks (second).

Pangatlo si Hamadou Laminou, 19.5 points (fifth), 15.5 caroms (second) at 3.5 blocks (first) ng Emilio Aguinaldo na may 1-1 karta.

Samantala, kasalo ng Arellano sa top spot ang San Beda at Mapua.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *